Iconic globe landmark ng SM Mall of Asia nawawala raw? O publicity stunt lang?
Nawawala raw ang iconic globe landmark ng SM Mall of Asia.
Naglabas ng isang public notice ang management ng SM MOA sa official Facebook page nito at sinabing nakikipagtulungan na sila sa mga awtoridad sa pag-iimbestiga sa pangyayari.
“SM Mall of Asia is currently working with authorities in investigating the MOA Globe incident. With our security measures in place, rest assured that SM Mall of Asia continues to be a safe space for your family and friends,” saad sa SM MOA public notice.
Makikita ang video sa Facebook account ng nabanggit na netizen na nagsabing nakuhanan ng dashboard camera ng kanyang motorsiko ang insidente.
“Spot niyo to guys!!! Nakunan ng dashcam ko ngaun lang na tinatangay 'yung moa globe! Ano 'yon?” ayon sa post ng netizen.
Ang video ay agad nag-viral. Mahigit 96,000 ang nagbigay ng reaksyon, 19,000 ang nagbigay ng kanilang komento at mahigit 92,000 times na iyong nai-share.
Ilan sa mga nagkomento ang nagsasabing posibleng isang gimmick lang ng SM MOA ang sinasabing pagkawala ng globe landmark.
“Naku gantong ganto ang tactic sa mga palabas, kinukuha nila yung atensyon natin sa nawawalang globe.. distraction lang ‘to guys para dito tayo mag-focus at ‘di natin makita ang anumalya na ginagawa nila. Chareng. Pano pala kung terorista ‘to na parang way nila para warningan tayo na kukunin nila ang mundo? Lol MOA pakisabi na agad kung marketing stunt ‘to. Hahahaha Sige pag-isipin ko kayo bago matulog.”
Narito ang ilan pang komento ng mga netizens tungkol sa “nawawalang” SM MOA globe:
“Grabe ka na talaga 2021!!! Hindi na namin kinakaya mga nangyayare ngayon huhuhu kalurx!”
"Dadalhin nila 'yan sa pinakamayamang Junk Shop sa buong mundo.”
“Orayt may pic ako jan kahit papano.”
Samantala, sinabi ng CNN Philippines na hindi naman nawawala ang GM MOA globe.
Nagtungo umano ito sa site at nakitang naroroon pa ang iconic landmark pero pinalibutan iyon ng mataas na scaffolding na natatakpan ng mga plywood.
Isang sign daw ang mababasa sa ibaba niyon na nagsasabing “under maintenance.”
COMMENTS