Kinumpirma ni Jeffrey Tam ang insidenteng kinasangkutan ni Billy sa LOL.
Image from Jeffrey Tam's Twiter account |
Kinumpirma ng TV host-comedian and magician na si Jeffrey Tam ang naunang napaulat na naospital siya dahil sa insidente ng “paninipa” ni Billy Crawford sa noontine show na Lunch Out Loud (LOL).
Magugunita na napag-usapan ng mga hosts ng “Take It…Per Minute Me Ganon” showbiz balita na sina Lolit Solis, Cristy Fermin at Mr. Fu ang tungkol sa insidente. Tinawag ni Cristy Fermin si Billy na Bully Crawford dahil sa ginawa nito kay Jeffrey Tam.
Narito ang pahayag ni Jeffrey tungkol sa insidente na nangyari raw noong buwan ng Hulyo ng taong kasalukuyan:
Composite photos of Jeffrey Tam and Billy Crawford |
“Hindi ko maalala kung anong exact date pero July nangyari ito. Actually nagbibiruan kami noon. Meron kaming laro doon na kapag may pinatugtog na music, kailangan mong tumumbling. So, naglabas na ngayon ng balikbayan box, pinatugtog, tumumbling si Wacky,” simulang kuwento ni Jeffrey sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz.
“Noong part ko na, sabi ko, ‘Sige patugtugin n’yo ulit, ako naman’. So, ako naman, ang balak ko hindi ako ta-tumbling kundi tatalon ako, ‘yung pahiga. So, nangyari na nga… pagbagsak ko, doon ako nagulat. Sabi ko, ‘Ang sakit!’ Nagdilim ‘yung paningin ko. ‘Yun pala ‘yung kahon tinanggal, sinipa,” patuloy niya.
Composite photos of Jeffrey Tam and Billy Crawford |
Agad naman daw siyang dinaluhan ni Billy. Kinaya pa raw niyang tapusin ang taping kahit pinagpapahinga na siya ng production. Pero kinabukasan ay nagpa-x-ray siya at nalaman na may crack sa spine niya.
Kinailangan raw niyang magsuot ng brace sa loob ng two months.
Hindi raw niya naisip na magalit. Sa katunayan ay pasasalamat ang nasa isip niya dahil safe pa rin siya sa kabila ng nangyari.
Screenshot from Murphy's Magic video |
Mula raw noon hanggang naging totally healed na siya ay araw-araw siyang kinukumusta ni Billy. Nag-alok pa raw ito na akuin ang gastos, subalit ang production ng LOL na ang nagbayad dahil nangyari ang insidente sa oras ng trabaho.
Okay daw sila ni Billy dahil nakita niya ang sinseridad nito sa paghingi ng paumanhin sa nagawa.
Kinumpirma rin ni Jeffrey na tila sangkot si Bayani Agbayani sa insidente dahil nang review-hin ang pangyayari ay nakita itong may ibinulong kay Billy bago naganap ang paninipa ng karton..
Screenshot from LOL |
Matatandaang binanggit ni Cristy Fermin na sinabi umano ni Billy na si Bayani raw ang nagsabi sa kanya na biruin si Jeffrey kaya nangyari ang insidente.
COMMENTS