M araming mga pag-aaral na ang gatas ng ina ay may maraming health benefits. Hindi lang para sa mga sanggol kundi maging sa mga mayroong ...
May na diskobre ang mga eksperto na ang compound ng breastmilk na tinatawag din na Hamlet ay epektibong pampatay ng kanseros na tumor cell.
Ibinunyag ng mga mananaliksik sa University of Lunt sa Sweden na may positibong resulta ang epekto ng Hamlet sa mga pasyenteng may bladder cancer.
Sa unang pagsubok, ang mga pasyente na nag inject ng Hamlet ay lumalagas ang mga patay na tumor cells sa kanilang ihi sa loob lamang ng ilang araw.
Ayon ky Professor Catharina Svanborg, "There's something magical about Hamlet's ability to target tumour cells and kill them."
Ang pagkadiskobre nito ay isang aksidente lamang habang ang kanilang pananaliksik ay nasa antibiotics sana.
Dagdag pa ni Professor Svanborg, "We were looking for novel antimicrobial agents, and new breastmilk is a very good source of these. During one experiment we needed human cells and bacteria to be present, and we chose human tumour cells for practical reasons. To our amazement, when we added this compound of milk, the tumour cells dies. It was a totally serendipitous discovery."
Naniniwala ang mga mananaliksik na may reaksyon ang gatas ng ina pag ito ay nakapasok sa gastrointestinal tract. Gumagawa ito ng protein na tinatawag na alpha-lactalbumin na ang target nito ay ang cancer cells. Ang target lang ng compound ng breastmilk ay ang mga cancer cells hindi katulad ng chemotherapy at radiotherapy na makakaapekto sa healthy at cancer cells sa ating katawan.
Inaabangan pa rin ng mga siyentipiko na ang gatas ng ina ay makatutulong din sa kanser sa bituka at maging ang cervical cancer.


COMMENTS