N gayong palapit na ang araw ng mga puso, marami na naman makakatanggap ng mga regalo gaya ng chocolates at mga bulaklak. Ibahin ninyo...
Ibahin ninyo si Xian Gaza ( Christian Albert Gaza) na may kakaibang pasabog para lang mapansin ni Nadine Lustre. Matapos ang hiwalayan ni Nadine at James, ang dalaga ay kasalukuyang single. Marami na namang mga binata ang mga nagkakainteresado para mapansin ni Nadine,isa na dito si Xian Gaza na kilala noon pa na may kakaibang paraan para mapansin lang ng kanyang crush.
Sa facebook post ni Xian S. Gaza, nag share ito ng napakalaking bouquet ng mga bulaklak na mayroong pulang ford mustang sa gitna na nilalagyan pa niya ito ng banner na "Happy Valentines Nadine Lustre" from Xian S. Gaza. Sa larawang naka post sa facebook, nilagyan ni Xian ng caption na ganito:
"Dear Nadine Lustre,
First of all, Happy Valentines Week! Sana ay nagustuhan mo at nawa'y tanggapin mo'tong "Bouquet of Mustang" na regalo ko para sayo.
Since my teenage days, KSP na talaga ako. Whenever I really like someone, gagawin ko ang lahat-lahat para makuha ang atensyon nung babaeng gusto ko in the grandest way possible within my means. Just like my ligaw efforts to Ella Cruz way back 2016 and so with my epic fail billboard for Erich last 2017.
Three years after, here I am again. Nagpapapansin naman this time sayo. Maaari nanamang magmukhang tanga at katatawanan ng publiko but idgaf sa opinyon ng iba. This is me, this is how I express myself, this is the way I am.
Maybe iisipin ng madlang people that this Ford Mustang is too much, na parang binibili kita at yung pagkababae mo. Nope! It's just that my financial capacity at the moment is a little bit good and I believe that you deserve to be the first ever person in the Philippines to receive a "Bouquet of Mustang" as a Valentines gift because that's how high I value you as a woman.
All I want is to be your acquaintance, nothing more nothing less.
Happy Valentines to you, Nadine.
Christian Albert Gaza"
Tatanggapin kaya ni Nadine ang regalo ni Xian? Marami ang nag aabang sa magiging reaksyon ni Nadine.




COMMENTS