I sa sa mga paboritong kainin natin lalong-lalo na sa mga kabataan ay ang fried chicken. Ngunit ayon sa pananaliksik, ang regular na pagk...
Ayon sa panibagong pananaliksik, ang pagkain ng mga pritong pagkain ay maging dahilan ng maagang pagkamatay sa mga postmenopausal na mga babae. Nagkaroon ng pag-aaral na nakabase sa isang questionnaire sa 106,966 na mga babaeng may edad na 50-79 na taong gulang noong February 2017. Pinag-aralan nito kung gaano sila kadalas kumain ng pritong mga pagkain gaya ng manok, isda, shellfish, french fries, tortilla chips at tacos. Sa pag-aaral na iyon, nadiskobre na may 31,588 ang namatay at sakit sa puso ang dahilan sa 8,358 nito.
Ayon kay Wei Bao, na isang assistant professor of epidemiology sa University of Iowa, sinabi niya na popular sa Estados Unidos o maging sa buong mundo ang pagkain ng mga prito ngunit kunti lang ang nakaka alam sa mahabang epekto nito sa kalusugan ng tao. Sa pag-aaral, nakadugtong nito na sa pagkain ng mga prito, mataas ang chansa na magkaroon ng sakit sa puso at diabetes.
Matapos na pinag-aralan ang lifestyle, quality ng diet, educational level at income, ang resulta ng pag-aaral na ang regular na pagkain ng mga prito ay nakakaikli ng buhay ng tao, lalong-lalo na sa kumakain ng maraming serving kada araw na may 8% na mas mataas na chansa kumpara sa hindi mahilig nito.
Ang pagkain ng pritong manok araw-araw ay may mataas na chansa na 12% na mamamatay dahil sa sakit sa puso at ang pagkain ng pritong isda araw-araw ay may 7%.
Ang pag-aaral ay walang ebidensyang natagpuan na ang pagkain ng prito ay nakadudulot ng kanser.
Sa pag-aaral din, natagpuan na ang mga babae na mahilig kumain ng prito ay mga kabataan, mga may mababang income at mababa lang ang pinag-aralan. Sila din ay mahilig sa paninigarilyo, hindi mahilig sa pag eehersisyo at mahilig sa hindi masusustansyang pagkain.

COMMENTS