Hindi na bago sa atin na may mga tao na mahilig mangolekta ng mga iba't ibang klase ng sapatos. Pangarap ng bawat babae ay ang pagkak...
Hindi na bago sa atin na may mga tao na mahilig mangolekta ng mga iba't ibang klase ng sapatos. Pangarap ng bawat babae ay ang pagkakaroon ng kanyang sariling koleksyon ng sapatos.
Sa panahon natin ngayon pa bonggahan ang suot at marami kang pagpipilian. Ang iba ay nagsusuot ng maganda kasi feeling nila confident sila pero may iba naman para lang mapakita sa ibang tao na meron sila nito. Ang iba maraming variety ng kanilang mga damit, bags, accessories at sapatos depende sa mood at okasyon.
Dati hindi gaanong pinapansin ng mga tao kung ano ang suot mong sapatos. Mas tinitingnan nila ang dress,bags at accessories. Pero sa panahon ngayon mas tinitingnan na ang sapatos ng isang tao. At hindi ma kokompleto ang outfit pag hindi maganda ang sapatos. May iba nga na natatagalan sila sa pagpili kung anong sapatos ang susuotin,bahala na ang shirt o dress.
Kapuso actress Kiray Celis a self-proclaimed shoe lover, nag decide na ibahagi at ibigay ang kanyang per-loved shoes para sa kanyang social media followers. Gusto lang naman niya na ang ibang tao ay maka benefit sa kanyang pre-loved shoes. Maraming nag message kaagad sa kanyang noong nagpost siya sa kanyang social media account. Ang mapagbigay at mabait na puso ng artista gustong ibigay nalang ang kanyang sapatos para mapakikinabangan at magbibigay ng saya sa ibang tao, kysa sa masira lang ito.
Nauna na niyang binigyan ang kanyang ina at mga kapatid pero marami pa ring natira. Si kiray ay mahilig sa heels, boots at rubber shoes. Maraming fans at followers ang natuwa sa ginawa niya lalo na yung may kapareho ng size ng paa niya.
Sana marami pang tao ang at ibang celebrity nga katulad ni Kiray. Kysa masira lang ang gamit,mas mabuti kung ibahagi natin to sa ibang tao kasi nagdudulot ito ng saya sa mga taong nagkapaligid sayo.



COMMENTS