Isa sa mga pinaka kilalang celebrity doctor sa ating bansa ay si Dra. Vicki Belo. Marami siyang mga artistang mga cliente kung saan ay tinut...
Isa sa mga pinaka kilalang celebrity doctor sa ating bansa ay si Dra. Vicki Belo. Marami siyang mga artistang mga cliente kung saan ay tinutulungan niya ang mga ito upang ma enhance ang kanilang kagandahan. Siya nga ay isang magaling na doctor na pinagkakatiwalaan di lang ng mga artista kundi pati na rin ang mga maimpluwensyang tao sa bansa. Pero hindi alam ng karamihan na si Dra. Belo pala ay isang biktima ng bully sa kanyang kabataan dahil sa kanyang hitsura. Ito umano ang motivation niya para magsumikap at ngayon ay isa na siyang doctor na hindi lang kilala sa Pilipinas kundi pati na rin sa ibang bansa.
Sa isang segment ng "Magpasikat" ng Its Showtime, iniimbitahan si Dra.Belo bilang isa sa mga judges. Sa performance ni Vice Ganda ay itinampok nito ang pagkakaroon ng pagmamahal sa sarili. Ito ay tungkol sa taong nagkaroon ng alopecia. Ang alopecia ay isang condition na kung saan ang tao ay mawawalan ng buhok. Sa kanyang performance, si Vice ay nagkaroon ng pagpapalit ng outfits at wigs.
Pagkatapos ng performance ay napaiyak si Dra. Vicki Belo dahil naalala niya noong siya ay bata pa na kung saan siya ay mataba at ipina adopt. Tumitimbang umano siya ng 100lbs nang siya ay limang taong gulang pa lamang. Siya ay hindi tunay na anak ng mga Belos.
Layunin ni Dra.Vicki Belo na ang mga tao ay gumanda dahil naniniwala siya na kung ang isang tao ay may kaaya-ayang mukha ay matatanggap siya at hindi mabubully ng iba.
Napahanga si Belo sa performance ni Vice Ganda at ang kanyang mga kasamahan. Sinabihan pa niya si Vice Ganda na iniidolo siya ng kanyang asawang si Hayden Kho at ito umano ang dahilan na nakita ni Dra. Belo ang kakaibang pagkatao ni Vice. Dahil sa kanilang performance, nanalo ang team ni Vice Ganda ng 1million peso at ibinigay nila ito sa kanilang napiling charity.






COMMENTS