Maraming mga sikat na pelikula na kung saan may mga character ito na ginampanan ng mga artista na kinakailangan na mag-iba ang kanilang mga ...
Maraming mga sikat na pelikula na kung saan may mga character ito na ginampanan ng mga artista na kinakailangan na mag-iba ang kanilang mga anyo. Sa unang tingin mo pa lang ay hindi mo talaga makilala kung sino ang gumanap sa naturang character.
Para maging mabigyang tao ang isang charater ng isang pelikula ay kinakailangang magbago ang kanilang anyo at maging ang kanilang mga galaw.
Heto ang ilang mga artista na hindi mo inaakala na sila pala ang gumanap sa kaiibang character sa isang pelikula:
1. Rebecca Romjin bilang Mystique
Ginampanan ni Romjin ang shape-shifting mutant ng X-men films. Ayon sa mga source, kinakailangan ni Romjin ng siyam na oras para makuha ang anyo ng kanyang character bilang si Mystique.
2. Aymeline Valade bilang Emperor Haban Limaï
Sa pelikulang Valerian and the City of a Thousand Planets noong 2017, ginampanan ng French Model na si Aymeline Valade ang Emperor Haban Limaï na isang leader ng mga alien.
3. Karen Gillan bilang Nebulla
Marami sa mga fans ang hindi makapaniwala na ang gumanap na Nebulla sa Guardians of the Galaxy Films and Avengers: Infinity War ay si Karen Gillan. Ang artista ay nagpakalbo para lang mabigyan ng pagkatao ang kanyang character na si Nebulla.
4. Ray Park bilang Darth Maul
Ang papel na ginampanan ni Ray Park sa Star Wars na si Darth Maul ay isang badass na kinakailangan ng heavy make up para makamit ang anyo nito.
5. Sofia Boutella bilang Jaylah
Ang body paint at costume ng actress na si Sofia Boutella sa Star Trek:Beyond bilang si Jaylah ay marahil nag bibigay ng kahirapan sa mga kaswal na mga manonood na heto pala ay ang Algerian-French actress, model at dancer.
6. Rooney Mara bilang Lisbeth Salander
Sa pelikulang The Girl with the Dragon Tattoo, binigyang pagkatao ng actress na si Rooney Mara si Lisbeth Salander na kinakailangan pang magbawas ng timbang ang actress, magputol at mag iba ng kulay ng buhok at magkakaroon ning maraming piercing.
7. Warwick Davis bilang Griphook
Bilang goblin Griphook sa pelikulang Harry Potter, si Warwick Davis ay mahirap talagang marecognize. Ayon sa actor, kailangang simulan ang kanyang transformation ng 4AM at ang kanyang pag aayos ang tumatagal ng 3.5-4 na oras kada araw para mabigyang pagkatao ang kanyang character.








COMMENTS