Normal lang sa isang relasyon ang pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan. Nito lang mga nakaraang araw ay usap-usapan sa social media ang pag...
Normal lang sa isang relasyon ang pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan. Nito lang mga nakaraang araw ay usap-usapan sa social media ang pagtatalo ng mag-asawang vlogger na si Tim Sawyer at former FHM model China Roces. Nagkaroon sila ng matinding away na kung saan naka live pa ito sa facebook page ni Tim Sawyer na may mahigit na 1.3 million followers. Ito ay ikinagugulat ng kanilang mga fans.
Sa facebook live ay makikita na si China ang nakahawak sa mobile phone at siya ang nag access sa facebook page ni Tim Sawyer at ipinarinig ang kanilang bangayan. Matapos ang live, agad namang naedelete ang video pero may iba ng mga netizens ang nag record sa nangyari kaya naman nagiing usap-usapan sa social media ang mag-asawa.
Ibinunyag ni China na kaya umanong iwanan ni Tim silang dalawa ng kanilang limang buwang anak na si Baby Tim dahil si Tim ay bumili na umano ng kanyang bahay at sasakyan na hindi alam ni China. Nag plano din umano si Tim na magtayo ng kanyang sariling negosyo na hindi niya ipinaalam ni China at nahuli din ni China si Tim na nakikipag chat sa iba't-ibang mga babae.
Ang lahat ng mga akusasyon ni China ay itinanggi naman ni Tim. Ayon kay Tim hindi daw siya selfish para iwan niya ang kanyang nabuong pamilya at hindi daw siya nagkulang sa pagsusustento nila. Ang pag chachat umano niya sa mga babae ay plano lang naman niya ito para makikipagcollab sa vlog.
Sa kabila ng kanilang bangayan ay naging emosyonal si Tim sa kanyang facebook post na nanghihingi ng tulong sa mga netizens para magkabalikan silang dalawa ni China. Naaawa din si Tim sa kanyang anak na nasangkot sa away nilang dalawa ni China.
Ano ang masasabi mo kay Tim Sawyer at China Roces? Karapat dapat bang magkaroon sila ng second chance?





COMMENTS