Ang pagbubuntis ay hindi biro na pagdadaanan ng mga kababaihan. Marami itong check-ups at maging mga laboratories. Kaya naman hindi biro a...
Ang pagbubuntis ay hindi biro na pagdadaanan ng mga kababaihan. Marami itong check-ups at maging mga laboratories. Kaya naman hindi biro ang pagbubuntis sa panahon ng pandemya dahil tayo ay nasa world crisis.
Kaya naman ay nag iisip ang mga pamahalaan ng iba't-ibang bansa para matulungan ang mga babaeng nagbubuntis sa kanilang panganganak at pagpapalaki ng anak.
Ang bansang Singapore ay mamimigay ng $3000 sa mga bata na isisilang ngayong panahon ng pandemya o sa susunod na dalawang taon. Tinatawag itong Baby Bonus.
Ayon sa Prime Miniter Office ang layunin nito ay matulungan ang mga magulang sa kanilang gastosin sa pagpapalaki ng anak.
Ayon naman sa isang survey ng prime minister office, 30% ng mga Singaporeans ay nagdedelay ng kanilang plano sa pag-aasawa at pagkakaroon ng anak dahil sa pandemya at ang epekto ng pandemya sa ekonomiya ng bansa.
Ang populasyon ng bansang Singapore ay lumiit ng 0.3 percent sa loob ng 12 months mula July 2020.






COMMENTS