Ang pagkakaroon ng asthma ay isang bagay na hindi dapat ipinagwawalang-bahala.
Ang pagkakaroon ng asthma ay isang bagay na hindi dapat ipinagwawalang-bahala, dahil ito ay nakaaapekto sa airway ng isang tao na possibleng maudlot ito at hindi na makahinga. Kadalasang ipinapayo ng mga eksperto pag meron kang asthma ay ang pag-iwas sa mga triggering factors ng asthma gaya ng pag-iwas sa allergens. Ayon din sa kanila, kung ang tao ay mayroon nang asthma, hindi na daw ito gagaling pero ang sintomas nito ay puwedeng puwedeng makontrol.
Kaya naman ang mga taong may asthma ay kinakailangang magpasuri sa doctor upang matulungan kung ano-ano ang mga gagawin dahil iba iba ang triggering factors ng asthma.
Pero alam mo ba na ang dahon ng Avocado ay nakatutulong upang maiwasan ang pag-atake ng asthma?
Papaano nga ba ito gawin? Napakadali lamang.
1. Maghanda ng 6 na dahon ng avocado, malinis na tubig at isang kaldero.
2. Hugasang mabuti ang mga dahon at ilagay sa kaldero
3. Salinan ito ng tatlong basong tubig.
4. Isalang na at takpan ang kaldero. Hayaang kumulo.
5. Kapag ito ay kumukulo na, marahang buksan ang takip at i-off na ang kalan.
6. Tanggalin ang dahon ng avocado sa kaldero gamit ang tong.
7. Ilagay ang napakuluang tubig sa isang baso o tasa.
Maaari itong inumin bago matulog sa gabi. Sa ganitong paraan maiwasan ang pag-atake ng asthma.
Hindi lang asthma ang puwedeng matulungan nito. Maging ang mga taong may sakit sa bato at ulcer ay puwedeng matulungan nito. Mayaman din ito sa protina, fiber, potassium, iron, magnesium, zinc, calcium at phosphorus.
Kung walang diabetes, maaari itong lagyan ng honey para sa masarap na lasa.





COMMENTS