M arami ang nangangarap na magkaroon ng anak ngunit hindi lahat ay nabibiyaan nito. Marami din naman ang nabibiyaan ng anak hindi sa natura...
Gaya ng aktress na si Alice Dixson, na malaki ang kanyang pasasalamat nang mag desisyon siyang e freeze ang kanyang egg cell o cryopreservation sampung taon na ang nakalipas. Sa kasalukuyan, si Alice ay 51 years old at kung hindi pa siya nag desisyon nito, ay impossible na mabigyan siya ng anak.
Nag hintay siya ng 10 na taon para mabiyayan ng anak sa proseso ng surrogacy.
“41 pa lang ako when I was thinking about it. Kasi when I was in Canada, nakapanood ako ng video about…uso noon ang egg freezing.
“When I came to the Philippines, I had my divorce and I decided that I still wanna have a baby. Pero paano ko gagawin ‘yun wala na akong asawa?”, panayam ng aktress.
Tama daw umano ang desisyon ng aktress, ngayong nakita na niya ang kanyang the one na gusto na niyang magka anak.
“Nu’ng first time ko makita si Baby A (Aura), wala kasi siya eh, nandito pa ako sa Pilipinas. Biglang nag-rush, nagmadali ako kumuha ng airplane ticket.
“Nakita ko muna siya on video, and of course iba ‘yung makikita mo siya in person, mahawakan mo.
“And ‘yung time na nakapasok ako sa hospital siyempre, I couldn’t believe na para akong my dreams that finally came true,”kwento ni Alice.
Inamin naman ni Alice Dixson na malaki pa ang kanyang adjustment sa kanyang role sa pagiging ina at hindi pa daw niya ito ganap na nagampanan dahil umano sa kanyang trabaho at nagkaroon siya ng sipon at nag rerecover pa.
“It was difficult kasi I had to be away for two weeks tapos, we have the yaya. Nakahanap naman kami ng paraan.
“Unfortunately, up to now hindi ko pa siya talaga nalalaro nang husto because when I was on the set, I got cold and still recovering.
“So, hindi ko pa siya talaga nakakasama ng 100 percent. Pero siguro in the next few days, I’ll be okay na to take care of her,” saad ng aktress.




COMMENTS