Isang malaking karangalan para sa ating bansa ang pagkakuha ng gold medal ng pinay weight-lifter na si Hidilyn Diaz. Siya ang kauna unahang ...
Isang malaking karangalan para sa ating bansa ang pagkakuha ng gold medal ng pinay weight-lifter na si Hidilyn Diaz. Siya ang kauna unahang pinay na nakakuha ng gold medal sa olympics matapos ang 97 na taon. Kaya naman sa tagumpay na nakuha ni Diaz ay parang naging artista na rin ang kanyang personal na buhay.
Usap-usapan sa social media ang naging coach ni Hidilyn Diaz sa kanyang weight-lifting career na naging isa sa mga dahilan sa kanyang tagumpay. Siya si Julius Naranjo na isang Japanese-Filipino Guamanian. Giit sa kaalaman ng karamihan, si Julius ay boyfriend din ni Hidilyn.
Gaya ni Hidilyn, si Julius ay isa ring weight-lifter. Nagtagpo ang landas ng dalawa noong 2017 sa isang weigh-lifting championship na event. Maagang nag retiro si Julius sa pagsali ng weight-lifting kompetisyon dahil nagkaroon siya ng back-injury kaya naman sa kasalukuyan ay naka focus na siya sa coaching.
Hindi biro ang pinagdaanan ni Hidilyn bago pa ang kompetisyon. Lubos niya itong pinaghandaan. Ginamit ni Hidilyn ang kanyang oras nung nag lock-down sa Malaysia sa pag-iinsayo. Kasama ni Hidilyn ang kanyang strength and conditioning coach at kasintahan sa kanyang training camp.
Ayon kay Hidilyn, napakaswerte niya dahil si Julius ang kanyang naging coach. Ngunit aminado din si Hidilyn na mahirap ito para sa kanyang boyfriend dahil hindi daw madaling turuan ang mga elite athlete na kagaya niya.
"Sa totoo lang ayaw namin pag-usapan na ganun. Swerte ako na yung coach ko ay boyfriend ko din. Pero mahirap din. Sa part niya kasi mahirap turuan ang elite athlete, lalong lalo na ako. Hindi ako basta basta nakikinig, kinukwestiyon ko lahat at hindi ako basta basta sumusunod", kwento ni Hidilyn.
"Pero as a coach, kailangan we have to prove na magaling ka. Kasi elite athlete ako eh... Pero right now, swerte ako na magaling yung coach ko, magaling siya. At magaling din yung image na pinapalakas nila ako. So kung kumusta ako, swerte ako na nandito sila, na nandito din yung coach ko, na nandito siya, si coach Julius. Nung time na ayoko na, ayoko na.. Syempre nasa pand3mic tayo. May mga time na ayaw ko na, nandyan sila para i-lift ako.", dagdag pa niya.




COMMENTS