H indi lahat ng mga buntis na artista ay pinapakita nila ang kanilang transpormasyon sa publiko. Gaya lang ni Ellen Adarna na sa tatlong tao...
Hindi lahat ng mga buntis na artista ay pinapakita nila ang kanilang transpormasyon sa publiko. Gaya lang ni Ellen Adarna na sa tatlong taon na ang nakalipas nang siya ay nabuntis ay ngayon pa lamang niya pinapakita ang kanyang katawan noon.
Nung buntis pa ang aktress, hindi ito naging active sa social media.
Kitang-kita sa larawan ni Ellen na siya talaga ay lumaki ngunit binalik naman nya ang kanyang pre pregnany body ngayon sa pamamagitan ng pagiging aktibo sa kanyang lifestyle.
Si John Lloyd Cruz at si Ellen Adarna ay naging magkasintahan nung 2017 pero nagkahiwalay nung 2019. Gayunman ay hindi pa din pinabayaan ni Cruz ang kanyang responsibilidad sa anak.
Ayon sa interview, si Cruz at Adarna ay gusto talagang magkaroon ng anak at magiging responsible sa pagpapalaki nito.
“Hindi siya ganun kadali. Parang pang pelikula lang pala 'yung nalaman mo parang, ‘Magiging tatay na ako!’ Para sa akin hindi... to each its own. Baka naman sa iba, totoo ‘yun and you can never tell kung ‘yun ay totoo o hindi. Okay yan, ‘yung nangyari sa 'yo. Pero para sa akin… We wanted it eh. Alam naman na namin na it was going to happen,” pahayag ni John Lloyd sa interview sa Mega G3 San Diego.
Sa kasalukuyan, si Adarna ay engaged na ni Derek Ramsay.



COMMENTS