Simula ng mabilang si Nas Daily sa kontrobersiya tungkol sa kanyang Whang-Od course sa kanyang Nas Academy ay nag simula ng humikayat ang mg...
Simula ng mabilang si Nas Daily sa kontrobersiya tungkol sa kanyang Whang-Od course sa kanyang Nas Academy ay nag simula ng humikayat ang mga netizens sa mga personalidad na sumali sa kanyang Academy na hindi ito ituloy.
Isa sa nagdesisyon na hindi ituloy ang kanyang kurso sa Nas Academy ay ang Veteran Journalist na si Jessica Soho. Naglabas ng kanyang opisyal na pahayag nung Lunes ang Kapuso news personality na ang desisyong ito ay nagpakasunduan ng bawat panig.
“In light of recent events, and after our team’s series of communications with Nas Academy, we decided and mutually agreed not to pursue the Jessica Soho course.
“Nas Academy has informed us that they are working with the NCIP. We hope for the resolution of all issues raised.”
Gayundin ang kurso ng Miss Universe 2018 na si Catriona Gray. Sinasabi din na ihinto muna ang pagtanggap ng mga applikante sa kanyang kurso sa Nas Academy.
Ang food vlogger ng Panlasang Pinoy na si Vanjo Merano ay naglabas din ng pahayag na hindi din niya itutuloy ang Panlasang Pinoy sa Nas platform.
Naglabas din ng video ang Nas Daily team ng video ni Apo Whang-Od na naglagay ng kanyang fimgerprint sa kanilang kasuduan na nagpapatunay na ang Whang-Od course sa kanyang Academy ay hindi scam.
Sa sinabing issue ni Nas Daily ay nagpapabagsak sa kanyang bilang ng Facebook Page Followers na halos kalahating milyon.
Ano ang masasabi mo sa isyung ito?



COMMENTS