Bumulaga sa mga netizens nang nakalipas na Linggo ang pagbura ni Paolo Contis sa mga larawan nila ni LJ Reyes sa kanyang instagram account...
Bumulaga sa mga netizens nang nakalipas na Linggo ang pagbura ni Paolo Contis sa mga larawan nila ni LJ Reyes sa kanyang instagram account.
Kinumpirma naman ni LJ Reyes ang espekulasyon ng nga netizens sa kanilang hiwalayan. Sa 21 second video sa interview na ipinalabas ng Boy Abunda "The Interviewer", tinanong ni Boy Abunda na kung ang kanilang hiwalayan ay isa bang mutual na desisyon.
Maluha-luha namang sagot ni LJ na "It was so difficult, it was so painful. Kung hindi lang malakas ’yung pananampalataya ko sa Panginoon, hindi ko alam kung saan ako pupulutin.”
Nang siya ay tanungin kung sino nga ba ang humiwalay, sagot naman ng aktress na matagal na umano si Paolo na lumalayo sa kanila.
"Matagal ko nang nararamdaman na parang nakahiwalay na siya sa amin,” saad ni LJ.


COMMENTS