"Soon sasali na tayo sa miss u!" Ito ang looking-forward niyang post sa social media!
Hindi masama ang magkaroon ng pangarap dahil wala namang impossible kung desidido kang ito ay matupad. Gaya na lang ni Rita Gaviola na kilala bilang isang badjao girl na nag-post sa kanyang social media account na nais niyang maging Miss Universe.
Saad niya sa kanyang post, "Soon sasali na tayo sa miss u 😽" habang nag-post ng kanyang larawan na nakabihis at may magandang make-up na tila sumasali na nga sa isang beauty pageant.
Makikita naman sa kauna-unahang vlog ni Rita sa kanyang Youtube channel na may apat siyang pangarap at ang una niyang pangarap ay ang maging teacher, pangalawa ay ang maging flight attendant, pangatlo ay gusto niyang maging criminologist at ang pang-apat ay maging isang Miss Universe.
Sa post na iyon ni Rita ay marami namang sumusuporta at binigyan din siya ng payo.
“Magtrain ka lang galingan mo. Bagay na bagay kang beauty queen!”
“Sali ka na po sa Miss U next year please.”
"Study po nang maigi kc ang miss U di lang s beauty kundi pati na rin sa brain 🧠😊 di ko sinasabi na di kayo matalino pero mas maganda yung hasa na hasa Kaya mag-aral mabuti 🙏 God bless you," saad naman ng isa.
Nakilala si Rita nang sumali ito sa reality TV show na Pinoy Big Brother: Lucky 7 kung saan ay isa siya sa mga teen housemates.




COMMENTS