Isa na nga sa mga basehan sa pagkakaroon ng trabaho ay ang itsura ng isang tao. Nakalulungkot man itong isipin pero ito ay nangyayari. Tre...
Isa na nga sa mga basehan sa pagkakaroon ng trabaho ay ang itsura ng isang tao. Nakalulungkot man itong isipin pero ito ay nangyayari.
Trending ngayon sa Tiktok ang isang Vietnamese na lalaki na kung saan ay agaw pansin ang kagwapuhan dahil sa pagdaan sa siyam na surgery para lang mapaayos ang kanyang mukha.
Ginawa umano niya ito para lang matanggap siya sa kanyang inaapplyan na trabaho. Siya si Do Quyen na 26 taong gulang.
Ipinakita niya ang kanyang itsura bago ito iparetoke at dahil dito ay ikinagugulat ito ng kanyang mga followers dahil sa malayong-malayo ang kanyang dating itsura sa kanyang itsura ngayon matapos siyang magparetoke.
Ayon naman sa binata, ilang beses umano siyang pinagtawanan at tinukso sa kanyang dating itsura at nang dahil dito ay nakaaapekto ito sa kanyang self-esteem at pagtitiwala sa kanyang sarili.
Ilang beses na daw umano siyang nag-apply sa mga kompanya at umuwi lamang na luhaan nang dahil sa kanyang itsura. Ito umano ang nagtulak sa kanya para dumaan sa plastic surgery.
Dumaan si Quyen sa 9x na operasyon gaya ng rhinosplasty, chin implant, porcelain veneers, lip reshaping, double eyelid surgery, lip implants at iba pa.
Dahil dyan, gumastos siya nang malaki mapaiba lang ang kanyang itsura. Umabot sa US$17,256 o katumbas ng P847,977 ang kanyang nagastos para sa mga nasabing surgeries.
Ang kanyang desisyon na magparetoke ay ikinatutol ng kanyang mga magulang ngunit dahil sa pangarap na magkaroon ng trabaho, hindi ito naging hadlang para kay Do Quyen.






COMMENTS