Nagsimula sa pagiging childstar si Kaye Angeli Gonzales na makikita sa Home Along the Riles. Kumusta na kaya siya?
Nagsimula sa pagiging childstar si Kaye Angeli Gonzales na makikita sa Home Along the Riles. Sa edad na 7 ay gumanap siya bilang isang batang Kristine Hermosa sa Kapamilya noontime show na Magandang Tanghali Bayan.
Si Kaye Angeli Gonzales ay kasali rin sa sitcom na Luv U . Kasama niya dito ang iba pang cast na si Miles Ocampo, Marco Gumabao at Cj Navato pero nag simula pa lang ang kanilang kasikatan mula sila ay bata pa. Mula noon ay tila hindi na siya napanood sa telebisyon ngunit nagbunga naman ang kanyang pinaghirapan hindi lang sa pagiging artista.
Sa kasalukuyan si Angeli ay isa ng Registered Medical Technologist.
Nung 2019 ay nagtapos naman siya ng Medisina with special awards na Outstanding Clinical Clerk, Family and Community Medicine Special Citation for Academic Excellence sa De La Salle Medical and Health Sciences Institute.
Nung 2020 naman ay pumasa ito sa Physician Licensure Examination. Ibinahagi niya ang kanyang tagumpay sa examinasyon sa kanyang Instagram account na may sabing "Finally #LicencedtoHeal To God be the Glory!"
Ayon sa pot ng aktress sa kanyang social media account, marami umano ang nagtatanong kung bakit siya nag-Doktor sa kabila ng maayos naman ang trabaho nito bilang isang aktres.
Pabiro naman ang isinasagot ng aktres, "Hindi ko nga po alam. Mali-mali ata desisyon ko sa buhay! Minsan joke, minsan totoo. Mahirap din kasing mag-aral ng med. Minsan gusto kong sabihin, hoy! mahirap ding mag artista ha! So bakit nga ba ako nag-doctor? Hindi ko talaga alam. Kaya ako naging doctor para sa mga pasyente ko. I wanted to become a doctor for my future patients. And I consider myself lucky because I am able to pursue a dream that maybe key for other people to be able to pursue their own."
Nawala man siya sa limelight ng limang taon, nakamit naman niya ang kanyang pangarap na maging isang doctor. Amazing, 'di ba?
Ano ang masasabi mo dito?






COMMENTS