Mula nang lumantad sa publiko ang relasyon nina Whamos Cruz at Antonette Gail del Rosario, sari-sari ang mga naging reaksyon ng mga netize...
Mula nang lumantad sa publiko ang relasyon nina Whamos Cruz at Antonette Gail del Rosario, sari-sari ang mga naging reaksyon ng mga netizens. Ngunit para sa mga nagmamahalan, hindi nila ito pinapansin. Trending ngayon sa social media ang kanilang pag-iibigan hanggang sa nagsalita ang ina ni Antonette at inireklamo si Whamos kay Idol Raffy Tulfo.
Si Antonette ay 17 years old pa lang at menor de edad. Ayon sa ina, sinilaw lang umano ni Whamos ang kanyang anak sa mga materyal na bagay kaya ito sumama sa kanya.
Nang dahil sa edad ng dalaga, agad namang sinabi ni Atty Garreth Tungol na ang reklamo ng ina ni Antonette ay pasok pa sa Child Abuse.
Dinepensahan naman ni Antonette ang kanyang panig na bago pa lamang siya pumunta sa bahay ni Whamos ay humingi naman siya ng pahintulot sa kanyang ina at agad naman nitong sinang-ayonan. Nag-iba na lamang ang kuwento ng ina nang nagsimula nang i-feature ang kanilang istorya sa KMJS. Hindi na raw din gusto ni Antonette na bumalik pa sa puder ng kanyang ina dahil sinabi niya na hinarass daw ito ng kanyang stepfather.
Nang dahil sa rebelasyon ni Antonette ay agad namang pinasundo ni Raffy Tulfo ang dalaga sa MSDW. Sa kasalukuyan ay nasa bahay na ng kanyang tunay na ama si Antonette habang patuloy pa ang imbestigasyon. Samantala si Whamos ay tikom bibig pa rin sa isyung kanyang kinasasangkutan.




COMMENTS