S i Jeyrick Sigmaton na mas kilalang si Carrot Man ay nagwagi ng Best Actor Award sa International Film Festival Manhattan Autumn 2021 na g...
Si Jeyrick Sigmaton na mas kilalang si Carrot Man ay nagwagi ng Best Actor Award sa International Film Festival Manhattan Autumn 2021 na ginanap sa New York.
Siya ay bumida sa short film na "Dayas" kung saan itinampok nito ang buhay ng mga small-scale miners sa Itogon, Benguet. Ito ay nasa direksyon at sinulat ng Cordilleran native na si Jianlin Floresca at produced ng Sine Cordillera at Be Unrivaled Productions.
"We're very thankful to have the best actor award for Jeyrick Sigmaton. So in behalf of my actor and the entire cast of Sine Cordillera 'Dayas,' and also in behalf of all Igorots all over the world, bagi tayo daytoy (sa ating lahat ito)," sabi ni direk Jianlin sa kaniyang pasasalamat sa film festival.
Jeyrick ay unang natuklasan nang nag-trending ang kanyang larawan sa social media na nagbubuhat ng carrots.
COMMENTS