Marami ang humahanga sa tambalang JaDine -James Reid at Nadine Lustre. Nang napabalita ang kanilang hiwalayan, marami ang naging emosyonal...
Marami ang humahanga sa tambalang JaDine -James Reid at Nadine Lustre. Nang napabalita ang kanilang hiwalayan, marami ang naging emosyonal.
Ang Jadine fans ay mas naging emosyonal nang nag-post ang aktor na ang kanyang bahay ay for sale na.
Ito and post ni James sa kanyang Instagram account :
My house is for sale!
Loyola Grand Villas, Katipunan.
Slide for more pics.
Contact my assistant Penelope for more details on +63 927 836 9466.
Ang tatlong palapag na bahay ay may pitong kwarto at suite, dalawang malaking kusina, isang recording studio, swimming pool, fully equipped gym, may CCTV system at may anim na garahe ng mga sasakyan.
Ang property na ibinebenta ng aktor ay nagkakahalaga ng P80M. Marami sa mga netizen ang nagkomento na kung meron lang sila ng ganun na halaga ay bibilhin nila ito.
"Kung milyonarya lang ako, ako na bibili agad agad," at "Your house is P80 million James, I only have P80 hahahahaha."
Marami ang mga memories na naiwan ng Jadine dito.
Ito lamang ang mga reaksyon ng mga netizen.
Unang napabalita na ang propert ay for sale noong February 2020 na nagkakahalaga ng P82-P85M.
Ito ay isa lamang sa larawan si Nadine na nandun sa bahay.
Ang anggulo na ito ng bahay ang nasa larawan ni Nadine kung saan ay kita rito sa kanyang likuran ang malaking chandelier.
Ang dating magkasintahan ay bali-balitang tumitira na sa isang bubong noong 2017. Nakumpirma naman ito ni Nadine sa kanyang linya sa kanyang interview. Aniya, "Come on guys, it's 2017." At dalawang taon ang nakalipas, kinumpirma ito ni James sa Gandang Gabi Vice.
Kahit na naghiwalay na ang Jadine nung November 2020, ang dalawa ay nananatili pa ring mabuting magkaibigan.
"I don't think anyone in that situation is really excited to see their ex with someone else, but you know, that's not my choice," pahayag ni James nung Agusto nang tanungin ito kung handa na ba siya na makita si Nadine na may ibang lalaki.
"I'm not her husband, neither am I her father, so she can do whatever makes her the happiest," dagdag pa nya.
Maraming pagkakataon na nakita si Nadine na kasama niya ang kanyang diumano'y bagong boyfriend na si Christophe Bariou.
COMMENTS