Isang malaking rebelasyon ang ibinahagi ni Kris Aquino -- ipinakilala na niya ang kanyang fiance!
Isang malaking rebelasyon ang ibinahagi ng Queen of all Media na si Kris Aquino nong October 24, Sabado nang ipinakilala niya ang kanyang fiance sa publiko.
Ilang taon din ang nakalipas na hindi ito naging bukas sa kanyang buhay pag-ibig.
Ibinahagi ni Kris sa publiko ang kanyang bagong pag-ibig sa kanyang Instagram post.
Ang kanyang fiance ay ang dating DILG secretary na si Mel Sarmiento.
"We discussed this post and I thought about it carefully… marami kasi sa followers ko ang nagtatanong kung kamusta na ko because matagal na kong nawala"
Inamin ni Kris na marami ang mga nangyayari sa kanya mula nang nagsimula ang pandemic at maraming mga stressful events nung kalagitnaan ng Agusto na siyang dahilan ng pagbaba ng kanyang timbang.
"And it’s been exactly 4 months since we so unexpectedly lost our brother. Sure ako, ayaw nya talagang iwanan si “bunso” na walang magbabantay at mag-aalaga na siguradong pinagkakatiwalaan nya.
Somehow i believe there really was a matchmaker in heaven who must be smiling now- i can almost hear his voice telling me, “kristina, tama na, respect the fact na gusto ni Mel ng tahimik na buhay.” And finally, “bunso”has learned to obey."
Taos puso naman ang pasasalamat ni Kris kay Mel na kumumpleto sa kanyang buhay sa kabila ng pagkawala ng kanyang nakatatandang kapatid na si Noy.
"To my best friend and the man i said yes to spending the rest of my life with, thank you for as bimb said loving me for me, with no agenda, and for being just an overall good and patient man. It’s unreal how much more calm & peaceful i feel now that you’re here."
Sa kanyang post, ikinuwento naman niya ang naging papel ni Noynoy sa kanilang relasyon ni Mel at nagbigay din ng kanyang mensahe sa yumaong dating pangulo.
"We would never have met nor reconnected had it not been for Noy. Thank you to my kuya, kahit wala na sya ramdam na ramdam ko na kahit ilang beses kaming nagkatampuhan, kahit kailan gagawa talaga sya ng paraan na ma-assure kami nila kuya josh at bimb kung gaano nya kami kamahal at hindi talaga sya papayag na ma feel namin na kami ay mapapabayaan. We love you and we miss you."
Si Mel Sarmiento ay nagsilbing secretary ng Department of Interior and Local Government (DILG) noong 2015 hanggang 2016.
Siya ay pumalit sa posisyon ni Mar Roxas nang ito ay magdesisyon na tumakbo bilang pangulo nung 2016.
Nagsimula si Mel bilang Vice Mayor ng Calbayog City sa Samar noong 1992 hanggang 1995.
Tumakbo ito bilang alkalde sa lungsod ngunit siya ay natalo, mula noon ay nagpahinga muna siya sa politika ng anim na taon.
Matapos ang ilang taong pananahimik sa politika, nagwagi na siya sa pagiging alkalde at nanungkulan sa lungsod nung 2001 hanggang 2010.
Nahalal din siya bilang isang representative ng first district ng Western Samar.
"We agreed, what’s personal shall remain private so hanggang dito lang ang pwede kong ma share. Except i guess to say as much as i am proud to be an Aquino, looking forward na kong maging Sarmiento," dagdag ni Aquino.
COMMENTS