Isang centennial lolo ang namahagi sa kapwa bilang selebrasyon ng kanyang kaarawan.
Isang public post ang naghahatid ngayon ng inspirasyon at tuwa sa netizens.
Sa Facebook ay ibinahagi ng isang netizen ang ilang larawan ng isang lolo na nagdiriwang ng kanyang ika-101 na ikaarawan, ngunit imbes na isang magarbong handaan ay mas pinili nitong mamigay ng tulong sa mga kababayan.
"A senior citizen from Luisiana, Laguna celebrated his 101st birthday in a unique way. He bought 20 sacks of rice for distribution to the needy families. In each bag of rice are hershey chocolate from the US and tasty bread.
Thank you so much Tatay Diego for being so generous. May theLord bless you continually with good health and happiness."
Ang kanyang kuwento ay nakarating na sa kaalaman ng Kapuso Network at sa ibinahaging feature video ay nalaman natin ang lalim ng kanyang pananampalataya at ang kanyang naging kapalaran.
Nagpapasalamat umano si Lolo sa mga biyayang ipinagkaloob sa kanya ng Panginoon at sa buhay na walang karamdaman. Aniya, "Ako ay masayang-masaya dahil alam kong ang Panginoon ang siyang nagpapala sa akin na dapat ko namang ipamahagi sa iba ang pagpapala Niya sa akin."
Dati pala siyang magsasaka na dinala ng tadhana sa Amerika kasama ang kanyang buong pamilya. Nagtrabaho siya hanggang edad nobenta at nagpasyang magbalik sa lupang sinilangan upang maghatid ng pagpapala sa abot ng kanyang makakaya.
Maraming nagmamahal sa kanya dahil sa kanyang mabuting puso at magandang kalooban. Nagpatayo pala siya ng isang paaralan at patuloy na ipinakikilala ang Panginoon sa kanyang kapwa sa pamamagitan ng kanyang sariling buhay. Maligayang kaarawan, Lolo Diego!
Tunghayan ang paglalahad ng palangiting 'Tatay ng lahat' na si Lolo Diego sa Kapuso video na ito:
COMMENTS