Mapait na alaala dulot ng hagupit ng Yolanda sariwa pa rin sa mga survivors

Inalala ng mga taga-Tacloban noong ika-8 ng Nobyembre ang 8th year anniversary ng hagupit Yolanda.



Walong taon na ang nakalilipas ngunit nananatiling sariwa pa rin ang mapait na alaala dulot ng hagupit ng bagyong Yolanda.

Noong Lunes, ika-8 ng Nobyembre, inalala ng mga  residente ng Tacloban City, sa pangunguna ng alkalde nito na si Mayor Alfred Romualdez, ang ikawalong taong anibersaryo ng trahedya.



Isang programa ang isinagawa ng city government upang alalahanin ang nangyari noong taong 2013 at upang ipagbunyi ang “faith and hope” ng mga Taclobanons na patuloy ang pagsisikap na makabangon mula sa hindi malilimutan at mapait na karanasan.

Nagmisa ang isang pari sa loob ng Holy Cross Memorial Gardens para sa mga biktima. Kasunod niyon ang pagbabasbas sa kanilang himlayan.



Sa talumpati ng alkalde, sinabi nito na naka-move on na ang lungsod mula sa pangyayari, subalit binigyang-diin niya na hindi nito kalilimutan ang libo-libong mga kababayan na ang buhay ay inagaw ng Yolanda.

Bagama’t patuloy ang pagsisikap na iwaksi ang nakaraan, marami pa ring mga residente ng Tacloban ang binabagabag ng mapait na alaala ng hagupit ng bagyo.

Isang matandang residente ang naglabas ng saloobin at nagsabing hanggang ngayon ay sariwa pa rin ang kirot sa damdamin sanhi ng pagkawala ng anak niyang babae at dalawa nitong anak.

Aniya, hangga't nabubuhay ay hindi siya magsasawang dalawin ang mga ito sa mass grave sa loob ng Holy Cross Memorial Gardens sa Barangay Basper. Ito ay sa kabila ng walang katiyakan kung ang puntod na kanyang inaalayan ng bulaklak at tinitirikan ng kandila ay ang himlayan ng kanyang mga mahal sa buhay.



Ang ginagawa raw niya ay humahakbang ng labing-isang beses mula sa entrance ng mass graves at mula roon ay hahakbang naman ng walong beses pakanan. Ang puntod doon ang inaalayan niya ng mga bulaklak, tinitirikan ng kandila at panalangin para sa eternal repose ng anak at dalawang apo.

Bago lumubog ang sikat ng araw noong araw na iyon, sabay-sabay na kumalembang ang mga kampana ng mga simbahan sa Eastern Visayas bilang paggunita sa mga mamamayang namayapa dahil sa Yolanda.

 

 

COMMENTS

Name

animals,7,beauty,5,business,2,celebrities,67,celebrity,2,charity,1,clothing,3,current events,38,entertainment,58,environment,1,events,8,fashion,4,Food,20,Food & Travel,3,food and travel,4,government,28,Health,59,Inspiring,57,jobs,1,lifestyle,33,lottery,1,music,2,News,55,OFW,2,Others,144,people,16,pets,2,Philippine Showbiz,4,politics,15,relationship,5,social media,15,sports,1,technology,5,Travel,3,trends,80,wildlife,1,world news,1,
ltr
item
News Presenter: Mapait na alaala dulot ng hagupit ng Yolanda sariwa pa rin sa mga survivors
Mapait na alaala dulot ng hagupit ng Yolanda sariwa pa rin sa mga survivors
Inalala ng mga taga-Tacloban noong ika-8 ng Nobyembre ang 8th year anniversary ng hagupit Yolanda.
https://blogger.googleusercontent.com/img/a/AVvXsEgZnCRilNFnxdeAFRQCz1JblSvgOV3mEmZPkJnaHj2KyYaCYK86qe5SEzbayjFN9KoWm3OrD5nph7diPzOsIRw58Ay-p9a1JPfH_aIH7LVAwhxVJqxnPQe_rdRS94Sa2bYdQzwGppbNd3I3f4xNWXJFKvi7Fuh_kWbR2ZPGf3OrcM_5gX5OcDv_PJjemw=w549-h329
https://blogger.googleusercontent.com/img/a/AVvXsEgZnCRilNFnxdeAFRQCz1JblSvgOV3mEmZPkJnaHj2KyYaCYK86qe5SEzbayjFN9KoWm3OrD5nph7diPzOsIRw58Ay-p9a1JPfH_aIH7LVAwhxVJqxnPQe_rdRS94Sa2bYdQzwGppbNd3I3f4xNWXJFKvi7Fuh_kWbR2ZPGf3OrcM_5gX5OcDv_PJjemw=s72-w549-c-h329
News Presenter
https://news-presenter.blogspot.com/2021/11/Yolanda-Tacloban-commemoration-memories.html
https://news-presenter.blogspot.com/
https://news-presenter.blogspot.com/
https://news-presenter.blogspot.com/2021/11/Yolanda-Tacloban-commemoration-memories.html
true
5115326993436416456
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy