Hindi maipagkakaila na kilala ang ABS-CBN sa paggawa ng makulay, makabuluhan at may nakaaantig na mensaheng station IDs.
Hindi maipagkakaila na kilala ang ABS-CBN sa paggawa ng makulay, makabuluhan at may nakaaantig na mensaheng station IDs nitong mga nagdaang taon.
Ngayong 2021, kung kailan patuloy na lumalaban ang bansa sa mabigat na hamon ng pandemiya, muling naglabas ang Kapamilya network ng station ID na pasok sa panlasa ng mga Pinoy, nasa Pilipinas man o nasa abroad.
| Screenshot mula sa You Tube |
Ang 2021 station
ID ng ABS-CBN ay may pamagat na "Andito Tayo Para
Sa Isa't Isa," at tulad ng mga nakaraan, itinatampok dito ang kanilang
mga beteranong singer at talent tulad nina Sharon Cuneta, Zsa Zsa Padilla, Gary
Valenciano, Martin Nievera, Regine Velasquez at Ogie Alcasid.
Kabilang din sa mga
umawit sina Vice Ganda, Piolo Pascual, Sarah Geronimo, Erik Santos at KZ
Tandingan. At siyempre, itinampok din ang mga sikat na Kapamilya love team na
sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, Belle Mariano at Donny Pangilinan, at
Andrea Brillantes at Seth Fedelin.
Kasali din sa "Andito Tayo Para Sa Isa't Isa" ang mga batang performers na sina Darren Espanto, Iñigo Pascual at maging ang papasikat na P-pop group na BGYO.
| Screenshot mula sa You Tube |
Inilabas ng Kapamilya
network ang opisyal na lyric video ng nasabing station ID sa You Tube channel
ng ABS-CBN Entertainment nito lamang Lunes, Nobyembre 8. At sa loob lamang ng
22 oras, pumalo na agad ang views nito sa mahigit isang milyon.
Hanggang sa oras
ng pagsusulat nitong artikulo, halos 4 milyon na ang views ng "Andito
Tayo Para Sa Isa't Isa" sa You Tube at hindi pa rito kabilang ang views sa
Facebook page at Twitter.
Ayon sa ABS-CBN, ang lyric ng kanilang 2021 Christmas station ID ay kinatha nina Love Rose De Leon, Robert Labayen at Thyro Alfaro, at nilapatan naman ng musika nina Thyro Alfaro at Xeric Tan.
| Screenshot mula sa You Tube |
Ang mensahe ng nabanggit
na station ID ay handog para sa lahat ng mga Pinoy na sa kabila ng pinagdaraanang
pandemya at kalamidad ay nanatiling matatag at nakatayo para sa isa’t-isa.
“It is a loving
tribute to our everyday heroes, the people who continually give us hope,
strength and inspiration to keep moving forward despite the challenges. The
song tells the story of how the Filipinos are able to overcome life’s hardships
by having faith in God and by working together in love,” ayon pa sa ABS-CBN.
Panoorin ang video sa You Tube channel ng ABS-CBN Entertainment.
COMMENTS