Naging emosyonal si AJ sa isang press conference para sa pelikulang Crush Kong Curly.
| Image from AJ Raval's Facebook account |
Hindi napigilan ng aktres na si AJ Raval na maging emosyonal nang magsalita siya hinggil sa diumano ay mga maling panghuhusga sa kanya ng mga tao.
Sa isang virtual press conference kamakailan lang para sa pelikula niyang “Crush Kong Curly” na nakatakdang ilabas sa Vivamax sa darating na Disyembre, tinanong siya kung naranasan na ba niyang mahusgahan sa maling dahilan.
Sagot ni AJ , na anak ng dating action star na si Jeric Raval, alam naman umano ng karamihan sa mga dumalo sa naturang press conference na siya ay nakaranas ng maling panghuhusga.
“Na-judge po ako. Tingin ko alam naman ‘yun ng mga karamihan dito. Alam niyo ‘yung hindi ako nagsinungaling, nagsabi ako ng totoo, pero na-judge pa rin ako,” diretsong tugon ni AJ na hindi napigilang maluha dahil sa emosyong naramdaman.
| Screenshot from Crush Kong Curly press conference video |
Sinubukan naman daw niyang magpaliwanag subalit walang nakaintindi sa kanya.
“Nag-try akong mag-explain pero wala pa rin nakaintindi,” aniya.
Sa naturang presscon, tumanggi muna siyang sagutin ang mga katanungan na may kaugnayan sa kanyang lovelife at maging tungkol sa napabalitang relasyon nila ng aktor na si Aljur Abrenica.
“Ilang months na rin akong single. Hindi, joke lang. Wait lang. Ayaw ko munang pag-usapan ‘to. Next questions na lang po ako. Ayaw ko na pong magbitaw ng salita tungkol sa lovelife. Thank you,” sabi niya.
| Image from AJ Raval's Instagram account |
Matapos maranasan ang mga maling panghuhusga ay maayos na raw ngayon ang pakiramdam niya.
“Sobreng okay ko po ngayon.” aniya.
Ang “Crush Kong Curly” ay idinirihe ng award-winning director na si GB Sampedro.
Ang pelikula ay tungkol kay “Elle” (AJ) na isang “ugly duckling na nilalait noon na naging sikat na vlogger.
| Screenshot from Crush Kong Curly trailer |
Makakasama ni AJ sa pelikula si Wilbert Ross, na unang nakilala bilang member ng popular na grupong Hashtag. Si Wilbert ang umawit ng theme song ng pelikula na may kaparehong pamagat.
,”
”
COMMENTS