Viral na ang cryptic Facebook post ni AJ Raval.
| Image from AJ Raval's Facebook account |
Agad nag-viral ang cryptic Facebook post ni AJ Raval kasunod ng naging pahayag ni Barbie Imperial laban sa kanya.
Ganito ang nakasaad sa post niya: “Stay away from my man.”
Kalakip nito ang larawan ng isang kakatwang nilalang at ang mga katagang “Her man.”
Umani na ang post ni AJ ng mahigit 114,000 reactions, halos 10,000 comments at mahigit 12,000 shares.
| Screenshot of AJ Raval's FB post |
Ipinagpapalagay ng maraming netizens na ang kakatwang nilalang ay patungkol kay Diego Loyzaga.
“Oo nga, kamukha nga,” sabi ng isang nagkomento.
“Ay, awit yon. Your man daw Barbie imperial. Payag ka non?”
May isang netizen pa na nag-suggest kay AJ Raval na i-tag ang taong pinatutungkulan para raw “mas intense.”
“Tag mo para intense.”
May nagsabi naman na sapul daw si AJ sa mga sinabi ni Barbie kaya ito nag-post ng ganoon.
| Image from AJ Raval's Instagram account |
“Nasapol ‘to sa mga sinabi ni Barbie kaya ang aga tumahol.”
Napansin naman ng iba na agad tinanggal ni AJ ang naturang post, pero muling ibinalik.
“Bat mo naman binura at pinost ulit?”
Kailan lang ay naglabas ng kanyang saloobin si Barbie Imperial tungkol sa mga balitang ang boyfriend niyang si Diego Loyzaga ay nanliligaw o may relasyon umano kay AJ Raval. Ang balitang ito ay nanggaling umano sa kontrobersyal na social media influencer na si Xian Gaza.
Tahasang sinabi ni Barbie sa kausap niyang si Boy Abunda na may katibayan siya na si AJ at Xian Gaza ay magkaibigan at si AJ ang source ni Xian ng mga impormasyon tungkol sa mga tsismis.
| Image from Christian Albert Gaza's Facebook account |
Hinamon pa ni Barbie si AJ na magsalita upang pabulaanan ang mga balitang ikinakalat ni Xian Gaza.
Sinabi naman ni Xian na ang dapat pagsabihan ni Barbie ay si Diego.
“Bakit hindi si Diego Loyzaga ang magsalita sa publiko na hindi totoo ang mga sinasabi ko? Bakit si AJ?” hamon niya kay Barbie Imperial.
Inaabangan ngayon ng mga netizens ang magiging reaksyon ni Barbie Imperial sa post ni AJ Raval.
COMMENTS