Kinumpirma ni Alodia Gosiengfiao na hiwalay na sila ni Wil Dasovich.
Binasag na ng celebrity cosplayer na si Alodia Gosiengfiao ang kanyang katahimikan tungkol sa break up nila ng TV personality at vlogger na si Wil Dasovich.
Ang paghihiwalay ay kinumpirma ni Alodia sa isang maiksing post sa kanyang social media account kasabay ng hiling sa kanyang mga fans at followers na igalang ang kanilang privacy.
Matagal na rin umano ang break up nila. Ilang ulit na raw nilang sinubukan na ayusin ang mga bagay-bagay subalit mayroon daw talagang mga bagay na sadyang hindi nauukol.
"To those asking, wala na kame. It’s been a while. We tried to work things out many times but some things are not meant to be. I hope you respect our privacy in this time of our llives,” saad sa Facebook post ni Alodia noong Linggo, November 14.
Hindi nagbigay ng detalye sa split nila si Alodia.
Wala pa ring anumang naririnig mula kay Wil na kasalukuyang nasa Nepal para sa isang vlogger challenge.
Bumuhos ang simpatiya ng mga netizens sa nangyari sa magkasintahan. Umabot sa mahigit 19,000 ang nagkomento sa FB post niya, higit 258,000 ang nagbigay ng reaksyon at nai-share iyon nang mahigit 25,000 times.
Narito ang ilan sa mga komento mula sa kanilang mga tagahanga at kaibigan:
“Oks lang ‘yan. Ang importante maayos niyong napag-usapan at maayos kayong naghiwalay. Kesa naman ipilit niyo kung alam niyong parehas na kayong ‘di masaya.”
“Besh! Huli na ako sa balita nang isang oras. Pero alam ko you’ll stay strong. Ikaw pa ba? Kaya mo ‘yeeen….tuloy lang ang buhay. Pero parang I-p-pm pa din kita at mangangamusta…at makikichismis. If you need some clown friends, alam mo naaaa. Andito kami hehe, see you soon.”
“Awww. So sad to read. Been looking forward for the both of your futures as husband and wife. Masaya din kase nag-iinvest na kayo para sa isa’t isa. However, there are things talaga that you can’t control. It may not heal as fast as it can but let time will. Laban lang Boss A.”
May ilan naman na nagtanong kung ano na ang mangyayari sa bahay na plano nilang ipatayo.
Matatandaang noong September 30 ay ibinahagi nila sa pamamagitan ng isang YouTube video na nagpadisenyo sila ng kanilang dream house sa popular na architect vlogger na si Oliver Austria.
COMMENTS