Inamin ni Andrea Brillantes na puwedeng mauwi sa something special ang friendship nila ni Seth Fedelin.
| Composite photos of Andrea Brillantes and Seth Fedelin |
Maraming proyekto ang young actress na si Andrea Brillantes. Sa katunayan, sa kabila ng umiiral na pandemya ay patuloy ang kayod niya.
Mas gusto niya raw ang napapagod kaysa nagpapahinga.
Paliwanag niya, iyon ay dahil siya ang breadwinner ng pamilya. Iyon umano ang paraan niya upang maabot ang mga pangarap. Sabi niya three years old pa lang ay nangangarap na siya ng magandang buhay.
| Image from Andrea Brillantes' Instagram account |
“Kasi siyempre po, as a breadwinner, marami pong umaasa sa akin. At simula po kasi noong three years old, nangangarap na po ako, e,” kuwento ng dalaga sa mediacon ng Beautederm noong Huwebes, Nobyembre 25, sa Novotel Hotel sa Cubao, Quezon City.
May pagka-kwela naman ang sagot ni Andrea nang tanungin kung bibigyan ba niya ng pansin kung may magparamdam sa kanya para manligaw.
“Ay! Magaling din po akong mag-multi-task. hi hi hi,” pabungisngis na sabi niya.
Sa tanong kung may time siya na magpaligaw, sinabi niya na hindi siya sigurado kung ano ang magiging reaksyon niya. Aniya, kuntento na siya ngayon sa friendship nila ng ka-loveteam niyang si Seth Fedelin. Isa pa, hindi rin naman daw siya lapitin.
| Image from Andrea Brillantes' Instagram account |
“Ahhhmm… kasi siyempre, alam n'yo naman po, meron akong special friend… na si Seth. Ahhm, happy na po ako with his company. And kung meron man pong manliligaw sa akin… ewan ko, hindi naman din po ako lapitin. Kasi, hindi po ako pala-gala. Hindi po kasi ako extrovert. At marami nga pong boys, ang tingin, suplada ako. O kaya’y intimidating ako,” sagot niya.
Tanong pa sa aktres, posible raw kayang ang special friendship nilang dalawa ni Seth ay mauwi sa something special?
“Sigu… ay! Yes!” natatawang sambit ni Andrea.
Sa ngayon daw ay ini-enjoy lang nilang dalawa ang mga oras na magkasama sila.
| Image from Andrea Brillantes' Instagram account |
“Ini-enjoy lang namin 'yung ibinigay na time sa amin ni Lord, 'yung projects namin, and company namin sa isa’t isa. Klaro din naman na siya ang gusto kong ka-work. Sinabi din naman niya na ako ang gusto niyang ka-work. We’re just taking our time po. Kasi bata pa naman po kami,” aniya.
Si Andrea at Seth ay unang nagtambal sa “Kadenang Ginto” noong 2018. Magmula noon ay nabuo na ang SethDrea loveteam.
COMMENTS