Aminado ang komedyanteng si Archie Alemania na isa siyang "under de saya."
| Image from Archie Alemania's Facebook acount |
Walang pakialam ang komedyanteng si Archie Alemania kung sabihan man siya na under ng asawa niyang si Gie Canlas. Iyon naman daw ang totoo.
“Totoo naman po ‘yun, e,” sabi niya kapag napapansin ng mga tao ang TikTok video nilang mag-asawa na parang sunud-sunuran siya sa asawa.
Sa labis na pagmamahal niya sa asawa ay ibibigay raw niya rito ang lahat kahit na magmukha siyang katawatawa at under de saya.
“Mas nakakatuwa nga po kasi kaya mas nae-enjoy naming mag-asawa. Kung ano iyong ikinasasaya ng asawa ko,’yun ang ibibigay ko,” kuwento pa ng kwelang si Archie.
| Screenshot from Gie Canlas' TikTok video |
Sinang-ayunan naman ni Michael V ang mga sinabi ni Archie na ibibigay anuman ang ikasisiya ng asawa.
“Happy wife, happy life,” sabi ni Michael V na kasama ni Archie sa “Bubble Gang” na nito lang Biyernes, ika-26 ng Nobyembre ay nagdiwang ng ika-25 taon ng pamamayagpag sa telebisyon.
Sina Archie at Gee ay ikinasal noong ika-27 ng Oktubre 2018 sa Monochrome Events Place sa Nuvali, Sta. Rosa, Laguna.
Nabiyayaan na sila ng isang supling na lalaki noong April 5 2019, si Caleb Archer.
| Image from Archie Alemania's Instagram account |
Ika-apat na anak na ni Archie si Caleb Archer dahil mayroon na siyang tatlong anak sa mga nauna niyang naging karelasyon.
May anak sila ng aktres na si Mickey Ferriols na ang pangalan ay Brent Marcus.
Bago pa dumating sa buhay ni Archie si Mickey Ferriols ay may dalawa na siyang anak mula sa magkaibang babae. Ang pangalan ng mga bata ay Gabby at Kai.
| Image from Archie Alemania's Instagram account |
Aminado ang komedyante na ang pagiging playboy niya noon ang dahilan kung bakit hindi siya nagtatagal sa isang relasyon. Ang relasyon nila ni Mickey Ferriols ay tumagal lang ng apat na taon.
Pero noong naging isa na siyang ganap na Christian ay tinalikuran na niya ang pagiging playboy, pero aminado siyang sa una ay mahirap.
COMMENTS