ArJo Atayde nagsalita na at sinabing "I'm not a lawbreaker."
“I am not a lawbreaker.” Ito ang naging pahayag ng aktor na si Arjo Atayde hinggil sa isang kontrobersya na kinasangkutan niya.
Kung inyong maaalala, ang aktor ay naging kontrobersyal matapos siyang akusahan na lumabag sa health protocols na ipinatutupad ng Baguio City. Ang insidente ay nangyari noong buwan ng Agosto.
Ayon sa mga naglabasang balita noon, si Arjo, kasama ang kanyang assistant at siyam pang movie crew, ay tumakas umano mula sa Baguio pauwi ng Maynila matapos niyang magpositibo sa COVID-19.
Nagpahayag noon si Baguio City mayor Benjamin Magalong na delikado ang ginawa ng aktor dahil posibleng mahawahan niya ang ibang tao nang hindi nila nalalaman.
Bagama’t nakipag-usap na diumano ang pamilya ng aktor at ang ilang opisyal ng kanyang movie outfit na Feelmaking Productions, Inc. kay Mayor Magalong upang ayusin ang isyu tungkol sa health protocols violation, hindi nagbigay ng kanyang pahayag si Arjo noon.
At ngayon nga ay binasag na niya ang kanyang katahimikan sa isang panayam.
“I was never a lawbreaker nor did I purposely escape quarantine in Baguio City. I guess I really have to clear that out,” paliwanag niya.
Dagdag pa ni Arjo, may pruweba raw siyang maipakikita na hindi totoo ang mga ipinaratang laban sa kanya.
“I’ll be very honest. Hindi po ako tumakas. I already left the night before Mayor texted me the protocols. I have proof of this in my messages. He even said they appreciate our cooperation. I told him, ‘Sorry, Mayor, I did not know. I’m in Cardinal Santos Medical Center. I had myself checked in because of my asthma. I went straight to the hospital.’ We had an exchange of messages after that and I have the proof,” aniya.
Gayumpaman, humingi si Arjo ng paumanhin sa mga mamamayan at lokal na pamahalaan ng Baguio City hinggil sa kontrobersya.
“I apologize to the people of Baguio, to Baguio government if it seemed like tumakas ako, as well as all these things that they accused me of. I never had the intention of going down to 7-Eleven and buying hot dogs before going to Cardinal Santos. I’m not like that,” wika pa ng mahusay na aktor.
Ang pakiusap niya sa publiko, huwag maging judgmental. Dapat umanong palaging isaisip na “there are two sides to a coin.”
COMMENTS