'Biyaya' mula sa ATM, hindi pinag-interesan ng isang working student

'Honesty is the best policy' pa rin ang pinairal ng isang working student na nakakuha ng pera sa ATM.



Sa hirap ng buhay ngayon at sa dami ng mga pagsubok sa panahon ng pandemya, napakadali sigurong matukso sa mga bagay na parang abot-kamay mo lang, gaya ng perang iniluwal ng isang ATM sa Bacoor, Cavite ngunit wala naman ang may-ari.

Ganyan ang pagsubok na hinarap ng isang estudyante na nagtatrabaho para matustusan ang kanyang pag-aaral. Hindi sumagi sa kanyang isip na makatutulong sa kanya ang 'biyaya mula sa kahong bakal.'

Sa kanyang Facebook post noong ika-22 ng Nobyembre ay nanawagan siya para makarating sa may-ari na safe ang perang hindi nito nakuha sa automated teller machine (ATM). 




Sa isang bahagi ng kanyang post ay ipinarating niya ang kanyang pagnanais na "maibalik ito sa totoong may ari dahil hindi natin alam ang pinagdadaanan ng bawat tao, at kung para saan gagamitin ang pera. Base sa resibo na lumabas sa machine, 96 pesos na lang ang balance ng bangko ng may ari at maaaring huling pera na niya ito."

Inilahad niya na magwi-withdraw na sana siya sa ATM ng isang mall nang saktong may lumabas na pera mula rito kasunod ang isang resibo ng transaksyon.

Agad umano nilang nilapitan ng kanyang kapatid ang isang guard sa mall at ipinaalam ang nangyari. Nag-iwan siya rito ng ilang detalye sakaling may maghanap ng perang nakuha niya. Ipinaalam din niya sa sekyu na magtutungo siya sa bangkong nasa resibo at gagawin ang nararapat na hakbang. 


Mga imahe mula sa Facebook / Jeanette Cortez Rea

Nakarating sa kaalaman ng GMA ang nag-viral niyang post at sa panayam ng Kapuso ay naikuwento niya ang kanyang saloobin sa insidente.

“‘Yung may ari po noon, alam ko pong marami rin siyang pinagdaanan para makuha ‘yung pera na ‘yun so parang kung aangkinin ko siya, parang ang laking konsensya po yun,” tugon niya sa panayam.

Maraming natuwa sa kanyang katapatan. Sa totoo lang, mahirap at matagal din ang prosesong pinagdadaanan kapag nag-report ka ng perang hindi mo nakuha sa mga ATM.

Ang kanyang post ay umani ng maraming puso at libo-libo ang nagshare nito. Refreshing talaga ang makabalita na mayroong mga tao na sadyang mabubuti at tapat. Truly inspiring ka, Jeanette Cortez Real!



COMMENTS

Name

animals,7,beauty,5,business,2,celebrities,67,celebrity,2,charity,1,clothing,3,current events,38,entertainment,58,environment,1,events,8,fashion,4,Food,20,Food & Travel,3,food and travel,4,government,28,Health,59,Inspiring,57,jobs,1,lifestyle,33,lottery,1,music,2,News,55,OFW,2,Others,144,people,16,pets,2,Philippine Showbiz,4,politics,15,relationship,5,social media,15,sports,1,technology,5,Travel,3,trends,80,wildlife,1,world news,1,
ltr
item
News Presenter: 'Biyaya' mula sa ATM, hindi pinag-interesan ng isang working student
'Biyaya' mula sa ATM, hindi pinag-interesan ng isang working student
'Honesty is the best policy' pa rin ang pinairal ng isang working student na nakakuha ng pera sa ATM.
https://blogger.googleusercontent.com/img/a/AVvXsEj_74ARO-ThLy4yUHpCrtFzaPVHKaB7sG82kH412Iku-GRgz1du2T1w6Y6IcTym7whsB7qBYc3oRFpMyZeRocvKYAp8J75_9uTW05T62UR4tGiSlj8WO2jxU90YHZ93mNKFZvEK7hdahJ-7w0YJ1Ux1NXpaTyp-kUBuOeNZIxWQuVN0V8kDlHeo_VZZ=w606-h318
https://blogger.googleusercontent.com/img/a/AVvXsEj_74ARO-ThLy4yUHpCrtFzaPVHKaB7sG82kH412Iku-GRgz1du2T1w6Y6IcTym7whsB7qBYc3oRFpMyZeRocvKYAp8J75_9uTW05T62UR4tGiSlj8WO2jxU90YHZ93mNKFZvEK7hdahJ-7w0YJ1Ux1NXpaTyp-kUBuOeNZIxWQuVN0V8kDlHeo_VZZ=s72-w606-c-h318
News Presenter
https://news-presenter.blogspot.com/2021/11/atm-honest-working-student.html
https://news-presenter.blogspot.com/
https://news-presenter.blogspot.com/
https://news-presenter.blogspot.com/2021/11/atm-honest-working-student.html
true
5115326993436416456
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy