Imbyerna pala si Cristy Fermin kay Billy Crawford.
| Composite photos of Cristy Fermin and Billy Crawford |
Sa latest episode ng "Take It…Per Minute, Me Ganun!” ay napag-usapan ang tungkol sa Lunch Out Loud (LOL), ang noontime show na ipinalalabas sa TV5 mula Lunes hanggang Sabado, kung saan ang lead host ay si Billy Crawford.
Ang “Take It…Per Minute, Me Ganun!” ay ang tagapaghatid ng mga latest showbiz balita at blind items na ang hosts ay ang mga alamat ng showbiz intriga at mga reyna ng marites na sina Lolit Solis, Cristy Fermin at Mr. Fu.
Nabuksan ang usapan tungkol kay Billy Crawford nang magtanong si Mr. Fu kung patuloy pa rin ba ang LOL noontime show. Ang show ay isa sa anim na TV shows na produced ng dating congressman na si Albee Benitez, na ang iba ay hindi na umeere.
| Image from LOL Facebook page |
“Ay naku wala na akong pakialam d’yan,” naiimbyernang sagot ni Cristy Fermin sa tanong ni Mr. Fu.
“Sino ba ang pinaka-ulo…ang pinaka-lider na host d’yan...si Billy Crawford, ‘di ba?” tanong ulit ni Mr. Fu.
“Si Bully Crawford,” singit ni Cristy Fermin na ikinagulat ni Fu na nagtanong kung bakit ganoon ang bansag niya sa host.
“Mambubully ‘yan, eh” ani Nay Cristy na nagkuwento na kung ano ang ginawa ni Billy.
Aniya, naospital daw ang co-host nilang si Jeffrey Tam dahil sa ginawa ni Billy.
| Image from Jeffrey Tam's Instagram account |
Sinipa raw ng lead host ang karton na inuupuan ni Jeffrey Tam; dahilan para malaglag ito sa stage at napasama ang bagsak. Napagamot naman daw ang komedyante at maayos na ang lagay nito.
Hindi umano nagustuhan ni Nay Cristy ang katwiran ni Billy na biro lang daw iyon. Paliwanag raw nito ay ang co-host nilang si Bayani Agbayani ang nagsabi na kanya na biruin si Jeffrey Tam.
Sabat naman ni Lolit Solis, bakit daw tila nagbago na si Billy samantalang maganda naman ang image nito noon.
| Screenshot from Take It...Per Minute Me Ganon video |
Bukod kay Billy Crawford, napag-usapan din ng tatlo ang dahilan ng pag-alis ng singer na si Ariel Rivera sa nasabing noontime show bilang isa sa mga hosts.
COMMENTS