Inanunsyo ni Makati City Mayor Abby Binay ang mga job vacancies para sa Makati Subway project.
Mahigit isang taon matapos ang isinagawang groundbreaking para sa Makati Intra-City Subway ay inanunsyo ni Makati Mayor Abby Binay ang mga job vacancies para sa proyekto.
Matatandaang isa sa kanyang election campaign promises noong 2019 ay ang 10,000 job opportunities na magagawa para sa construction at operation ng subway system.
“As promised earlier, the Makati Subway will be generating jobs and providing an additional source of income for our Makatizens and their families. This project will forever change the landscape of Makati and it is an honor for me and my administration to leave our beloved city this legacy," pahayag ng alkalde.
Ayon sa alkalde, ang mga Makati residents ang bibigyan ng prayoridad sa job hiring pero bukas din naman iyon para sa sinumang interesadong mag-apply.
Kabilang sa mga bakanteng posisyon na maaaring aplayan ay BIM Specialist para sa Engineering Technology Department, manager para sa parehong departamento, engineering technician, surveying engineer, electrician, administrative personnel, office driver, logistics personnel at isang chef.
Sinabi pa ni Mayor Binay na kakailanganin pa ng mga skilled workers para ma-expand ang project team upang masigurong maging maayos ang development ng proyekto. Ang mga interesadong applicants ay hinihikayat na magpadala ng application kay Mr. Danny Liang sa “liang_diyu.@163.com.
Ayon pa rin sa alkalde, patuloy ang pag-usad ng konstruksyon ng proyekto.
“The project is well underway and construction and planning stages are in full swing,” aniya.
Sa katunayan noong August 2020 ay marami nang mga kabahayan at mga istruktura ang giniba upang bigyang daan ang paghuhukay sa main construction site na tinatawag na “Station 5” kung saan ia-assemble ang mga boring machines.
Noon namang May 2021, ay dumating na sa lungsod ang isa sa limang boring machines.
Ang operasyon ng subway system, na magkakaroon ng labing-isang istasyon,ay inaasahang magsisimula sa Enero 2026. Inaasahan din na ang operasyon nito ay magreresulta sa pagtaas ng economic productivity sa lungsod ng hanggang P24.4 billion kada taon.
COMMENTS