Inamin ni Senador Christopher ‘Bong’ Go na hindi pa rin siya makapaniwalang isa na siya ngayon sa mga kandidato sa pagkapangulo sa darating na halalan
Inamin ni Senador Christopher ‘Bong’ Go na hindi pa rin siya makapaniwalang isa na siya ngayon sa mga kandidato sa pagkapangulo sa darating na halalan sa 2022.
Si Go ay unang
nag-file ng kaniyang certificate of candidacy (COC) bilang pambato na bise presidente
ng partidong PDP-Laban subalit ginulat ang lahat matapos itong mag-withdraw at
muling mag-file ng COC bilang pangulo subalit sa ilalim na ng Pederalismo ng
Dugong Dakilang Samahan.
Ito ay halos
kasabay ng pagdeklara ni Davao City Mayor Sara Duterte na tatakbo siya bilang
vice president.
Noon pa man ay sinabi
na ni Go na ayaw niyang makatunggali sa pulitika sa susunod na eleksyon ang
babaeng anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na kilalang malapit sa kaniya.
Sa panayam ng mga mamamahayag nitong Miyerkules, Nobyembre 24, sinabi ni Go na nasa ‘state of shock’ pa rin siya matapos mapiling standard-bearer ng PDDS base na rin sa payo ng pangulo.
“Sa totoo lang
po, to be honest with you, nasa ‘state of shock’ pa rin po ako. Hindi ko po
alam kung bakit ako nandidito na kandidato bilang pangulo. All set na po ako
bilang vice president for 40 days,” ani Go.
Dahil dito,
nalulungkot umano siya para sa kaniyang mga supporters na nagpagawa at nagsabit
na ng mga tarpaulins sa iba’t-ibang probinsiya.
"Nagre-resist
po talaga ang aking utak, puso, at aking katawan. Nabigla po ako sa aking
pagtakbo, napakahirap po ng aking sitwasyon,” pag-amin ng senador.
Gayunpaman,
desisyon umano ito ni Pangulong Duterte at ng kanilang partido na dapat ay may
tumakbong presidente mula sa kanilang kampo.
"May
partido kami, desisyon ito ng partido, desisyon po ito ni Pangulong Duterte na
mayroong tatakbo bilang pangulo kaysa naman wala nang tatakbo sa amin,” wika ni
Go.
Ibinahagi rin ng
mambabatas na wala siyang ibang dadalhing bise president kung hindi si Mayor
Sara mismo dahil na rin sa anak ito ng kaniyang ‘boss’ maliban pa sa marami na
silang common supporters.
Subalit kahit pa
umano nahihirapan siya ngayon sa kaniyang sitwasyon, iginiit ni Go na
nananatiling buo ang kaniyang loob para magsilbi sa kapwa.
Makakaharap ni
Go sa 2022 presidential election sina VP Leni Robredo, dating senador Bongbong
Marcos, Senador Panfilo Lacson, Manila Mayor Isko Moreno, Senador Manny Pacquiao
at labor leader Leody De Guzman.
COMMENTS