Nanawagan si Rep. Mike Defensor sa government agencies na agahan ang pag-release ng bonus ng mga kawani ng gobyerno.
| Image from Money Sense |
Ibigay na sa mga manggagawa nang mas maaga ang kanilang year-end bonus -- ito ang panawagan ni Anakalusugan Partylist Represantative Mike Defensor sa mga ahensya ng pamahalaan.
Ito ay upang maagang makapamili ang mga empleyado ng mga kakailanganin para sa nalalapit na kapaskuhan at hindi na sila makadagdag pa sa dagsaan ng mga tao sa mga shopping malls at iba pang pamilihan.
Aniya, kailangan pa rin natin ang mahigpit na pag-iingat dahil umiiral pa rin ang pandemya.
Batay sa Section 8 ng Republic Act No. 11466 o Salary Standardization Law of 2019, bahagi ng mga incentives sa ilalim ng Total Compensation Framework ang mid-year bonus katumbas ng 1 month salary na ibinibigay tuwing May 15th at ang year-end bonus na katumbas ng 1 month salary at karagdagang cash gift na nagkakahalaga ng P5,000 tuwing Nobyembre kada taon..
| Image from Philippine News Agency |
“They will be able to avoid crowds in malls and other shopping areas if they can plan their purchases in advance, and they can steer clear of the highly infectious novel coronavirus,” paliwanag ni Rep. Defensor.
Ayon pa sa mambabatas, bilang pagsunod sa nabanggit na batas, ipinag-utos na ni House of Representative Speaker Lord Allan Velasco ang pamamahagi ng year-end bonus ngayong linggo.
Dapat daw itong tularan ng ibang government agencies at ipamahagi na ang bonus ngayong linggo o sa susunod na linggo.
| Image from Rep. Mike Defensor's Facebook account |
“Other agencies could give out the year-end benefits also this week or next week,” giit niya.
Nanawagan din siya sa Department of Budget and Management na ilabas na ang pondo upang makapagpamahagi na ang mga ahensya ng pamahalaan ng bonus at P5,000 cash gift para sa kanilang mga kawani.
Binanggit din ni Rep. Defensor na ang mga local government units ay mayroong mandato na magbigay ng mid-year at year-end incentives batay sa kanilang kakayahan.
Maliit man o mayamang LGU ay dapat umanong magbigay na ng bonus ngayong buwan.
| Image from Philippine News Agency |
COMMENTS