Inumpisahan na nitong Miyerkules, Nobyembre 17 ang pagtuturok ng booster dose para sa mga fully-vaccinated na health workers sa bansa
Inumpisahan na nitong Miyerkules, Nobyembre 17 ang pagtuturok ng booster sho
Paliwanag ng
Department of Health (DOH), maaaring mamili ang mga health workers ng brand na gustong
iturok sa kanila bilang booster shot at hindi kailangang kapareho ito ng
kanilang primary COVID vaccine.
Inirerekomenda
naman ng FDA ang mga brand na Moderna, Pfizer, AstraZeneca o Sinovac para maging
booster shot.
| Imahe mula sa Mexico Daily Post |
Sa inilabas na Department Order ng DOH, may Kalayaan umanong mamili ang mga health workers kung gusto
nila ng homologous o heterologous booster dose bagama’t depende pa rin ito sa availability
ng bakuna sa kanilang lugar.
Ang homologous dose
ay ang pagturok ng bakunang kapareho ng naunang primary vaccine, habang ang heterologous
booster dose ay paggamit ng ibang brand.
Ang
rekomendasyon ng DOH para sa heterologous dose ay:
Sa mga naturukan
ng Sinovac, puwede ang AstraZeneca, Pfizer o Moderna bilang booster shot.
Sa mga naturukan ng AstraZeneca, maaari ang Pfizer o Moderna.
Sa mga naturukan
ng Gamaleya Sputnik V: puwede ang AstraZeneca, Pfizer, o Moderna.
Sa mga
nabakunahan ng Ad26.COV2.s (Janssen), maaring maging booster shots ang
AstraZeneca, Pfizer, o Moderna.
Sa mga nabakuahan
naman ng Pfizer, puwede ang AstraZeneca o Moderna.
Samantala, para sa mga nabakunahan ng Moderna, maaaring gawing booster dose ang AstraZeneca o Pfizer.
| Imahe mula sa NDTV |
Hanggang noong Lunes, Nobyembre 15, ay nasa 2.6 milyong health workers na ang fully vaccinated sa bansa, habang nasa 31.8 milyon naman mula 109 milyong populasyon ang fully vaccinated na rin.
Nilinaw naman ng
DOH na pawang mga health workers muna ang makatatanggap ng booster dose at
hindi pa kasali dito ang kanilang mga kapamilya o kaanak.
"Ang
binigyan pa lang ng EUA ng FDA is for us to deploy or provide boosters to
senior citizens, healthcare workers, and to individuals with comorbidities. So
'yun pong expanded A1 for family members, hindi po muna natin sila
bibigyan," paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa
isang media briefing.
COMMENTS