Dahil sa mahusay na pagtatrabaho, niregaluhan ng employer ng isang 2021 model na laptop ang isang empleyado.
Iba talaga ang kasiyahang nadarama ng taong gumagawa ng kabutihan. Ito marahil ang dahilan kaya patuloy na gumagawa ng kabutihan ang maraming tao sa kanyang kapwa. Priceless feeling talaga na maging blessing sa iba, 'di ba?
At iyan mismo ang life's principle ni Basel Manadil - ang maging pagpapala sa kapwa. Consistent siya sa paggawa ng kabutihan at pagbibigay ng opportunities sa maraming tao.
Para sa kanya, "The way to achieve your own success is to be willing to help somebody else get it first." Kaya naman naisip niya na magandang incentive at token of appreciation ang pagbibigay ng regalo, na itinyempo pa niya sa kaarawan nito. Aniya, "Rewarding my hardworking employees."
Napakasaya ni Lanny sa surpresang handog ng kanyang Boss Basel. Bukod sa isa itong laptop ay latest model pa pala ito ng 2021.
Nang uwian na ay nagtungo sila sa tirahan ng mga empleyado at nakipag-celebrate sa kaarawan ni Lanny. Ito rin ang accommodation na ipina-makeover ni Hungry Syrian Wanderer ilang buwan na ang nakakaraan.
Isa itong patunay na maging ang personal na ikabubuti ng kanyang mga empleyado ay binibigyan din ng halaga ng pilantropong Syrian vlogger na isa na ring Pinoy citizen by naturalization. Maraming napa-'sana all' dahil sa magandang karanasan ng mga staff ni Basel.
Ilan sa mga komentong natanggap ni Basel":
"This is the most generous vlogger we have seen in our country. He spent millions on helping people, Employed others and changed the lives of many. I respect you a lot HUNGRY SYRIAN WANDERER."
"Big time mag gift lagi sa staff niya. Super lucky nila. Alot of people want to be in your place guys. Cherish the chance given to you mga tao."
"I am sure that whenever your staff does something for the progress of your business, you also make sure that you surprise them with gifts worth their honesty, loyalty and hard work! How awesome!😇😇😇I wish all your staff are as caring as you are, Basel🤩 being an outstanding employee deserves to be gifted and cared for."
"So lucky to have Basel in the Philippines. To all his employees please be loyal and be good to him just like how he is good to you. God bless."
"Napaiyak mo na nman ako, super bait na boss sana lahat ng tao ay tulad mo para masaya lahat. God bless you more Basel para marami pang matulungan, thank you so much, you're heaven sent to our kababayan. Again maraming maraming salamat po sa mga parents mo at ngpalaki sila ng anak na tulad mo."
God bless you more, Basel!
Narito ang video na ibinahagi sa YouTube:
COMMENTS