Naging emosyonal si Buboy Villar matapos ihatid sa airport pa-Amerika ang anak na si Vlanz.
| Screenshot from Buboy Villar's video |
Hindi napigilan ng komedyanteng si Robert “Buboy” Villar, Jr. ang pagtulo ng kanyang luha nang ihatid niya sa Ninoy Aquino International Airport ang apat na taong gulang na anak na babae na si Vlanz Karollyn na patungo sa Amerika sa piling ng ina nitong si Angellyn Gorens.
Sa latest YouTube video niya, ipinakita ni Buboy ang huling bonding nilang mag-ama dahil patungo na nga ang anak sa Amerika upang asikasuhin ang US citizenship nito. Kasama ng bata ang mga magulang ni Angellyn.
Naiwan sa pangangalaga ni Buboy ang bunso nilang anak na lalaki na si George Michael na mayroon nang dual citizenship.
| Screenshot from Buboy Villar's video |
Mami-miss raw niya ang bonding ng anak nila.
“Mami-miss ko ‘yung amoy n’ya, ‘yung kadaldalan ng bata na ‘to. Alam n’yo, sobrang pasalamat ko sa Diyos na ibinigay n’ya sa akin ‘yung ganitong responsibilidad na talagang ginrab ko. Hindi na ako nagdalawang-isip kaya thank God,” wika ni Buboy na halatang pinipigilang maluha dahil ayaw raw niyang makita siya ng anak na malungkot.
Masakit man na mawalay ang anak, kailangan umano niya iyong tanggapin dahil iyon ang mas makabubuti para kay Vlanz.
“Siyempre, hindi rin naman madali magpalaki ng bata. Of course, kailangan natin tingnan kung ano ang makakabuti para sa kanila,” aniya.
| Screenshot from Buboy Villar's video |
“Siyempre, kailangan nating isipin ‘yung future nila, hindi ‘yung sa ngayon lang, hindi para bukas, hindi para next year, hindi next week. ‘Yung future na ‘yung pinag-uusapan,” dagdag pa ng Kapuso actor.
Si Buboy at si Angellyn ay hiwalay na noon pang 2018, subalit napanatili nila ang pagiging magkaibigan para sa kapakanan ng kanilang dalawang anak.
Nagpahayag naman ang ilang netizens ng kanilang suporta at simpatiya kay Buboy. Narito ang ilan sa kanilang komento sa madamdaming video niya:
| Image from Buboy Villar's Instagram account |
"Heartbreaking para sa isang magulang ang mapalayo sa anak..naiyak ako sobra pero para sa ikakabuti ng future nila kailangan magsakripisyo pareho…isa akong ofw mom of 3 ang liliit pa nila una ko sila iwan. ngayon lahat binata na di ko na sila nagabayan nakita ang paglaki nila kz sa kakaisip ng future nila nagpabalik balik na ako sa ibang bansa. keep praying Bok! God bless u be strong!”
“I feel you bro. Mahirap talaga mawalay sa minamahal naiyak din ako sa vlog mo, bok. Pero para sa future din naman ng baby mo ‘yung ginagawa mo, salute sa’yo bok.”
“Be strong Buboy. Good thing may Zoom and messenger may means of communication kayo ni Vlanz pero syempre iba pa rin ‘yung personal kasi nayayakap at nahahalikan mo s’ya. Mabilis lang ang panahon God is great you and Vlanz we'll be together again soon. God bless. Keep your faith Buboy. You're a great dad to your kids.”
| Screenshot from Buboy Villar's video |
COMMENTS