Negosyong kumikita ng P178K a month nagsimula sa puhunang P4K na galing sa ayudang natanggap

Kumikitang kabuhayan na nagsimula sa puhunang galing sa ayuda.

Image from Wok It Out

Ang mag-partner na sina Kremie at Jessie ay kumikita na ngayon ng P178,000 kada buwan dahil sa negosyong sinimulan sa maliit na puhunan sa kasagsagan ng pandemya.

Apat na libong piso lang ang starting capital nila na nanggaling pa sa ayuda na kanilang natanggap.

Kuwento ni Kremie, dahil naapektuhan ang pagtatrabaho nila ay nagsimula silang gumawa ng mga frozen dimsum para magkaroon ng kita. Iniaalok lang nila ang mga ito sa mga kaibigan at kamag-anak. Nagpo-post din sila sa iba’t ibang Facebook groups upang ipakilala ang produkto nila.

Aniya, hindi rin naging madali ang pagbebenta ng mga dimsum dahil madalas silang maikumpara sa mga sikat na brands. Kesyo baka hindi raw masarap. Ang laging ikinakatwiran ni Kremie ay “to taste is to believe.”

Screenshot from GMA video

Kaya naman unti-unti ay dumami na ang mga orders. Kung noon ay 2 kilos a day lang ang naibebenta nila, ngayon ay umaabot na sa 40 kilos kada araw. Mayroon na kasi silang ilang branches ng itinayong Wok It Out restaurant.

Bukod sa frozen dimsum ay tumatanggap na rin sila ng orders para sa cooked dimsum.

Dahil isang master dimsum chef ang partner na si Jessie ay gumawa sila ng iba’t ibang klase ng dimsum na pumatok naman sa mga customers.

Image from Wok It Out

Isa sa mga mabentang produkto nila ay ang xiao long bao na tinatawag ding soup dimsum dahil may sabaw iyon sa loob.

Ayon kay Jessie, simple lang ang paggawa ng pork xiao long bao. Kailangan lang balutin sa dimsum wrapper ang pork giniling at frozen pork broth. Ang frozen pork broth ang sikreto kung paano nagkakaroon ng sabaw ang xiao long bao. Pagkatapos ay maaari na itong i-steam.

Sa simula ay kumikita sila ng P1,000 a day, pero ngayon umaabot na ito sa humigit-kumulang P178,000 kada buwan.

Image from Wok It Out

Nakabili na rin sila ng sariling bahay at naipagpatayo ng bahay ang mga magulang ni Jessie sa probinsya.

Natulungan din nila ang kanilang mga empleyado na makabili ng sarili nilang motorsiklo.

Sa maliit na puhunang P5,000 ay puwede na rin daw ang kahit sino na maging reseller sa ilalim ng kanilang distributors. P50,000 naman ang puhunan sa mga nais maging distributor.

Screenshot from GMA video

Tiniyak ni Kremie na mabilis na mababawi ang ipupuhunan dahil mabenta ang kanilang dimsum.

Ang payo niya sa mga nagsimula ng negosyo na huwag mag-alala kung may araw na mahina ang kita dahil normal daw ang ups and downs sa anumang uri ng negosyo.

Ang kailangan lang daw gawin ng mga negosyante ay siguruhin na mararamdaman ng mga cusrtomers na sulit ang ibinabayad nila sa biniling produkto.

Screenshot from GMA video



COMMENTS

Name

animals,7,beauty,5,business,2,celebrities,67,celebrity,2,charity,1,clothing,3,current events,38,entertainment,58,environment,1,events,8,fashion,4,Food,20,Food & Travel,3,food and travel,4,government,28,Health,59,Inspiring,57,jobs,1,lifestyle,33,lottery,1,music,2,News,55,OFW,2,Others,144,people,16,pets,2,Philippine Showbiz,4,politics,15,relationship,5,social media,15,sports,1,technology,5,Travel,3,trends,80,wildlife,1,world news,1,
ltr
item
News Presenter: Negosyong kumikita ng P178K a month nagsimula sa puhunang P4K na galing sa ayudang natanggap
Negosyong kumikita ng P178K a month nagsimula sa puhunang P4K na galing sa ayudang natanggap
Kumikitang kabuhayan na nagsimula sa puhunang galing sa ayuda.
https://blogger.googleusercontent.com/img/a/AVvXsEhPPGjBm1dU2xQAX-PYNA7LlUZqlwryFmVwUNVGXl_iOKJa0nypWK7twK3XdpCHYLlo0u48LskySY6DeABV3q-VqoG3-0Txl_HfrvJrRymIVdY43PmK_WHFtLK-SS8fMaDHZtq1VhajPZPm9MVESEfCErEg7UnGJZCgqCauo-LviSdrENp72Ll151lVLg=w630-h351
https://blogger.googleusercontent.com/img/a/AVvXsEhPPGjBm1dU2xQAX-PYNA7LlUZqlwryFmVwUNVGXl_iOKJa0nypWK7twK3XdpCHYLlo0u48LskySY6DeABV3q-VqoG3-0Txl_HfrvJrRymIVdY43PmK_WHFtLK-SS8fMaDHZtq1VhajPZPm9MVESEfCErEg7UnGJZCgqCauo-LviSdrENp72Ll151lVLg=s72-w630-c-h351
News Presenter
https://news-presenter.blogspot.com/2021/11/business-dimsum-siomai.html
https://news-presenter.blogspot.com/
https://news-presenter.blogspot.com/
https://news-presenter.blogspot.com/2021/11/business-dimsum-siomai.html
true
5115326993436416456
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy