Takang-taka ang isang buyer kung paano napagkasya sa isang maliit na supot ang stuffed toy na inorder niya sa isang online store.
Para mabawasan ang paglabas-labas ngayong pandemya, mas dumami pa ang tumangkilik ng iba't ibang online shopping apps, at hindi maitatanggi kung gaano kalaki ang naiambag nito sa gitna ng ganitong situwasyon. Gayunman, hindi rin maitatanggi ang mga disadvantage na kaakibat nito, lalo na at hindi nakikita ng bibili ang aktwal na produkto.
Kamakailan lamang, ikinagulat ng isang buyer nang dumating ang inorder niyang Pokemon stuffed toy sa isang online shop. Sa halip kasi na ang inaasahang may kalakihang package, isang maliit na supot na para bang nakarolyong face towel ang na-deliver sa kanya.
Image via Pokedex and Extras | Facebook
Sa pamamagitan ng Facebook page na Pokedex and Extras, ikinuwento niya na nagduda pa siya noong una kung sa kanya ba talaga ang dumating na package.
Ngunit nang buksan niya, laking gulat niya nang makitang ang nakarolyo pala ay talagang ang stuffed toy na inorder niya.
"For a second there, I thought I got the wrong package. LOL, how did they fit you in there, Snorlax?" saad sa caption ng post.
Libo-libong social media users ang nag-react at nag-iwan ng kumento sa nasabing post.
May mga natawa sa nangyari at sa hitsura ng karakter na parang naging nakakatawa dahil sa epekto ng pagkakarolyo. Biro pa ng ilan, malamang daw sa malamang ay magkakasya ito sa maliit na supot dahil ang mga Pokemon o "pocket monsters" ay nagkakasya sa maliliit na Pokeball.
"We all catch it with Pokeball, you know, and it fits! And you're asking how it's fit in the parcel?" ani H. Ibrahim.
"Now, you know how Pokemon fit into a Pokeball," wika ni G. Chow.
"He even fits inside a Pokeball," sabi naman ni F. Ho.
Mayroon din namang mga nabahala sa kalidad ng produkto ng stuffed toy na dumating at nais alamin kung saang shop nabili ito.
COMMENTS