Naglabas ng guidelines ang Comelec para sa in-person campaign para sa 2022 elections.
| Image from The Asia Foundation |
Naglabas ng guidelines ang Commission on Elections (Comelec) para sa pagsasagawa ng in-person campaigns, meetings, conventions, motorcades at caravans para sa sa 2022 national and local elections.
Sa ilalim ng Resolution No. 10732, binalangkas ng Comelec ang mga patakaran sa pagsasagawa ng kampanya ng mga kandidato.
Ayon sa general provisions ng resolusyon, ang mga kandidato at campaign support staff ng mga ito ay itinuturing na ngayon bilang “Authorized Persons Outside of Residence o APOR kahit na ano pang alert level ang umiiral at vaccination status nila.
| Image from ABS-CBN |
Sinabi pa ng Comelec na ang mga below 18 years old at above 65 years old ang mga mayroong underlying conditions gaya ng buntis ay hindi papayagang sumama sa anumang election activities kabilang na ang pangangampanya, meeting, convention, motorcade, caravan at miting de avance.
Ang mga sumusunod na aktibidad ay hindi pinapayagan sa in-person campaign anuman ang alert level na umiiral sa lugar:
| Image from Philippine News Agency |
- Pagpasok sa bahay kapag nag-house-to-house campaign kahit na pumayag ang may-ari
- handshakes, beso-beso, abrisyete, yakap o anumang physical contact sa pagitan ng kandidato, mga kasama at publiko
- Pagkuha ng selfie o litrato na magiging masyadong magkalapit ang kandidato, mga kasama at publiko
- Pamimigay ng mga pagkain at inumin at anumang items
- Hindi rin pinapayagan ang selfie, physical contact, pamamahagi ng pagkain at inumin sa mga conventions, miting de avance, caravan
| Image from Philippine News Agency |
Lilimitahan din ang bilang ng passenger capacity sa motorcades at caravans depende sa alert level o community quarantine category.
Ang mga mapatutunayang lumabag sa mga patakaran ay maaring maharap sa pagkakakulong nang hindi bababa sa isang taon at hindi lalampas sa anim na taon. Ang mga guilty ay papatawan ng multang hindi bababa sa P10,000.
“In addition, the guilty party shall be sentenced to suffer disqualification to hold public office and deprivation of the right to suffrage,” ayon pa sa Comelec.
Mababasa ang kabuuan ng Comelec Resolution No. 10732 sa https://comelec.gov.ph/php-tpls-attachments/2022NLE/Resolutions/com_res_10732.pdf.
| Image from Philippine News Agency |
COMMENTS