Ipinaalala ng mga eksperto pagdating sa puso na hindi C0VID-19 kung 'di cardiovascular disëase pa rin ang numero unong kÏllër sa mundo.
Bagama't marami nang kinuha ang C0VID-19 simula noong nagsimula ang pandemya, ipinaalala ng mga eksperto pagdating sa puso na hindi C0VID-19 kung 'di cardiovascular disease pa rin ang numero unong killer sa mundo. Sa katunayan, ito raw ay "three times bigger than C0VID-19".
Sa November 10, 2021 episode ng Usapang Puso ng Philippine Heart Association (PHA), pinag-usapan kung paanong pahirap at pasakit na sa marami ang CVD bago pa man nagkaroon ng pandemic. At ang problema sa health condition na ito, lalo pa raw pinalala ng pagdating ng C0VID-19 dahil kinatakutan na ng marami ang mga ospital dahil sa virus na posible nilang makuha sa mga pasilidad.
Ngunit pagtitiyak ng mga eksperto sa puso, sa pamumuno ng moderator ng session na Dr. Luigi Pierre Segundo ng PHA kasama ang guests na sina Dr. Eric Oliver Sison at Dr. John Daniel Ramos, hindi raw dapat mangamba sa kakayahan ng mga ospital na tumugon sa pangangailangan ng CVD patients lalo na kung emergency case.
“Time is of the essence. Kung emergency at kinakailangan mag-attend sa pasyente, kahit hindi pa identified kung C0VID or non-C0VID, may ibang paraan pa para hindi ma-delay ang treatment,” ani Segundo.
Ayon naman kay Sison, sa kabuuan ay may 48 na ospital sa bansa na mayroong Cathlab at iba pang mga pasilidad para sa mga pasyente ng CVD.
“We have 48 Cathlabs (in the country) and we’re continuing to update," wika ng espesyalista.
Pagtitiyak pa nila, "systems have been in place".
“Marami na tayong natutunan para protektahan ang mga staff and ang patients natin. Medyo malaki na rin ang pagbabago. In-increase din natin ang ating healthcare capacity. Lahat ng ospital, PGH (Philippine General Hospital) man or mga private hospitals. Nagdagdag tayo ng tao, ng protocols para pwede pa din natin maalagaan ang mga patients natin na non-C0VID na may mga emergency situations, such as heart attack and stroke,” sabi pa ni Sison.
Binigyang-diin muli ng heart doctors ang kahalagahan ng pangangalaga ng puso dahil katulad ng COVID-19, mahirap ding kalaban ang CVD.
COMMENTS