Nagsimula na ng taping ang Mars Ravelo's Darna:The TV Series na pinangungunahan ni Jane De Leon.
| Screenshot mula sa Story Conference video ng Darna |
Nagsimula na ang taping para sa “Mars Ravelo’s Darna: The TV Series" na pagbibidahan ni Jane De Leon.
Ang serye ay nasa ilalim ng direksyon ng veteran film maker na si Chito Roño.
Ibinahagi ng JRB Creative Productions sa Instagram account nito ang ginawang story conference para sa serye na matagal nang hinihintay ng publiko.
Kabilang sa mga artistang makakasama ni Jane sa TV series sina Iza Calzado, Joshua Garcia at Zaijian Jaranilla. Si Joshua ang gaganap na love interest ng papel ni Jane na “Narda” samantalang si Zaijian naman ang gaganap na “Ding,” ang nakababatang kapatid at sidekick ni Narda.
| Jane De Leon |
Hindi pa pinapangalanan ang artistang gaganap sa papel na “Valentina,” ang kalabang mortal ni Darna.
Kumpara sa mga naunang mga aktres na gumanap na Darna, si Jane De Leon ang maituturing na “hindi gaanong kilala.” Noong July 2019 ay kabilang siya sa tinatayang 300 aspirants na nag-audition para sa role, kabilang ang ilang mga mas popular na mga artista.
Si Angel Locsin, na gumanap na Darna sa TV series sa GMA Network noong 2005, ay napisil para muling gampanan ang papel na dapat ay isasapelikula noong 2014. Dahil sa isyu sa kanyang kalusugan ay pinalitan siya ni Liza Soberano, ngunit hindi rin iyon natuloy nang umatras ang aktres dahil sa finger injury.
| Screenshot mula sa Story Conference video ng Darna |
Si Erik Matti sana ang direktor ng Darna movie pero umatras siya dahil umano sa “creative differences.” Si Nadine Lustre ang gusto niyang gumanap na Darna dahil bagay na bagay daw ang role sa aktres.
Si Direk Jerrold Tarog ang pumalit kay Erik Matti pero umurong din siya dahil sa conflict sa kanyang schedule.
| Screenshot mula sa Story Conference video ng Darna |
COMMENTS