Sa isang vlog ay ibinahagi ni Jennylyn at Dennis ang kanilang intimate civil wedding.
| Screenshot from Jennylyn Mercado's vlog |
Noong nakaraang linggo pa umugong ang balita na ikinasal na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na halos walong taon na ring nagsasama, pero nitong November 20 taong kasalukuyan, ibinahagi ng dalawa ang ilang detalye ng kanilang intimate civil wedding.
Pawang mga malalapit na kaibigan at kamag-anak lang ang dumalo sa kasal. Makikita ang isang larawan ng reception area na mayroon lang dalawang long table na eleganteng napapalamutian ng mga bulaklak.
Ginanap ang kasal sa studio sa Quezon City na pag-aari ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo.
Hindi wedding gown ang suot ni Jen kundi wedding suit na terno ang kulay sa suot ni Dennis na white suit. Obra ni Vania Romoff ang suit ng aktres, samantalang si Edwin Tan ang gumawa ng suit ng aktor.
| Image from Dennis Trillo's Instagram account |
Nagsuot pa rin naman ng wedding veil si Jen para sa espesyal na okasyon.
Sa isang video na ibinahagi sa YouTube channel ni Jennylyn ay ikinuwento nila ang mga naging kaganapan sa kasal nila. Ayon kay Dennis, mas matagal pa raw ang ginawang preparasyon kaysa sa aktuwal na kasalan.
Pinasalamatan din nila ang mga tao na naging kabahagi upang maging matagumpay at maayos ang araw na iyon. Mula kay Kathryn Bernardo para sa venue hanggang sa mga photographer, caterer, make-up artists at maging ang huwes na nagkasal sa kanila ay hindi nila nalimutang pasalamatan.
| Screenshot from Jennylyn Mercado's vlog |
Humingi ang dalawa ng paumanhin sa judge na nagkasal sa kanila at sa lahat ng mga bisita dahil na-late daw sila ng isang oras sanhi na rin ng sobrang excitement na nararamdaman nang araw na iyon.
Dahil aligaga, nalimutan pa nilang dalhin ang wedding ring na gagamitin sa seremonya. Kuwento ni Dennis, ang nadampot niyang box ng mga singsing ay walang laman.
Matapos ang wedding ceremony ay nagsagawa ang mag-asawa ng gender reveal para sa sanggol na ipinagbubuntis ng aktres. Isang gender reveal cake ang inihanda nila para doon.
Kung ano ang gender ng baby nila ay hindi nabanggit sa kanilang vlog.
| Screenshot from Jennylyn Mercado's vlog |
COMMENTS