Sinimulan na ngayong November 15 ang pilot run ng face-to-face classes sa mga piling lugar.
Makalipas ang halos dalawang taon ng pagsasara ng mga paaralan dahil sa pandemya ay sinimulan na ngayong Lunes, November 15, ang limited face-to-face classes sa mga piling lugar.
Ang Pilipinas ang pinakahuling bansa sa biong mundo na nagbukas ng mga paaralan para sa face-to-face classes.
“We are thankful for everyone who supported this key phase in our safe return to school advocacy from the planning stage since 2020 to this monumental day. Most importantly, we are happy to see our learners inside our classrooms as we recognize the significance of face-to-face learning in their social development,” saad sa inilabas na statement ng Department of Education (DepEd).
Isandaang public schools ang binuksan para sa pilot run ng limited face-to-face classes, batay sa binigay na approval ni Pangulong Rodrigo Duterte. Tatlumpung private schools naman ang magsasasagawa ng limitadong in-person classes simula sa November 22.
“Almost all participating schools are ready for the pilot study on November 15, 2021 .On the average, most of them are basically on a 90% above preparation,” ayon kay Education Assistant Secretary Malcolm Garma.
Ang mga estudyante mula kindergarten hanggang Grade 3 at senior high school ang kalahok sa pilot run ng in-person classes. Boluntaryo ang paglahok ng mga mag-aaral na gagawin sa mga paaralang nasa lugar na kinokonsiderang “low-risk” para sa COVID-19.
Ayon kay DepEd Planning Services Director na si Roger Maspol, tinatayang nasa 8,000 na estudyante ang lumahok.
Aniya, “Assuming na pumayag ‘yung lahat ng magulang ng mga kabataang ito na nasa kinder to Grade 2, we expect more than 8,000 students sa 100 pilot schools.”
Upang masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral, naglagay ang DepEd ng mga protocols at minimum health standards.
Maaaring i-download ang poster ng gabay na dapat sundin ng mga mag-aaral, magulang/tagapag-alaga at guro para sa maayos at ligtas na pagpapatupad ng face-to-face classes sa shorturl.at/jtCOS
COMMENTS