Asong nawalan ng paa natutong maglakad na parang isang tao

Nawalan ng isang paa ang Brittany Spaniel dog na si Dexter bago pa lamang siya nag-isang taon. Natuto siyang maglakad gaya ng isang tao.


Simula nang mawalan ng isang paa, biglang nagbago ang lahat para sa Brittany Spaniel dog na si Dexter. Ngunit sa halip na malugmok at matapos ang lahat para sa aso na noon ay hindi pa man nag-iisang taon, ang pangyayaring iyon pa ang naging dahilan para magsimula ang buhay niya bilang isang 'taong' naglalakad gamit lamang ang dalawang paa.


At ngayon, ang araw-araw na karanasan at pakikipagsapalaran niya bilang isang seven-year-old dog na naglalakad kagaya ng isang tao ay nagbibigay-aliw at inspirasyon na sa pamamagitan ng kanyang Instagram account na Dexter Dog Ouray.

Kuwento ng tagapangalaga niya na si Kentee Pasek  sa isang panayam nito sa Newsweek, tumagal nang 45 minuto ang pagliligtas kay Dexter matapos itong mahagip ng isang sasakyan. Mahirap ngunit sa huli ay naging maayos din ang lahat. At pagkalipas ng dalawang buwan, nagulat na lamang sila nang matuto itong maglakad gamit ang dalawang paa.


“My reaction was pure shock and disbelief I called the vet and it was decided Dexter was safer to walk upright if he wished without the wheels than to walk upright with them attached,” pagpapatuloy ni Kentee.

And the rest is history, 'ika nga. Isa na si Dexter sa mga nagdadala ng inspirasyon, aliw, at pag-asa sa napakahirap na sandaling katulad nito. Kung kaya niya, kaya rin ng mga taong bumangon at muling magsimula, anila.

Samantala, mayroon din namang mga nag-aalala na baka lalo pa itong makasama sa lagay niya. Pero pagtitiyak ni Kentee, sumasailalim ito sa regular checkups at ang tunay na dapat ikabahala ay kung maglalakad si Dexter na isa na lamang ang paa sa harapan dahil masyado na raw itong mahina at tiyak na magdudulot na ng matinding hirap at sakit sa kanyang alaga.

“He’s developed massive, weight-lifter thighs. It was his desire to adapt,” kuwento ng beterenaryong nag-aalaga kay Dexter sa interbyu rito ng Denver Post. "He chose two legs. They didn’t make him walk on two legs. He accepted that he has this adversity and that he’s not going to let it get him down. He has amazing resilience.”


Sa kabila ng lahat, masaya raw si Kentee na hindi nawala sa kanila ang alaga.

“We are grateful to still have Dexter in our life. We did not know if he would make it past the first night, first surgery, then all of the other surgeries,” aniya. 

COMMENTS

Name

animals,7,beauty,5,business,2,celebrities,67,celebrity,2,charity,1,clothing,3,current events,38,entertainment,58,environment,1,events,8,fashion,4,Food,20,Food & Travel,3,food and travel,4,government,28,Health,59,Inspiring,57,jobs,1,lifestyle,33,lottery,1,music,2,News,55,OFW,2,Others,144,people,16,pets,2,Philippine Showbiz,4,politics,15,relationship,5,social media,15,sports,1,technology,5,Travel,3,trends,80,wildlife,1,world news,1,
ltr
item
News Presenter: Asong nawalan ng paa natutong maglakad na parang isang tao
Asong nawalan ng paa natutong maglakad na parang isang tao
Nawalan ng isang paa ang Brittany Spaniel dog na si Dexter bago pa lamang siya nag-isang taon. Natuto siyang maglakad gaya ng isang tao.
https://blogger.googleusercontent.com/img/a/AVvXsEiQqRMoNABJ2IjlN5xACHLNdzROlYCPxeuCsVfbsILJTg9J-4kF8Nmk9DydP4C8xRkdyKDgw0zNf6CFvXAw_FQTQuBC3yrBpeKIaLLUDK0HjCGOTfrMw6Au3tyFAfrphIjStvVWyot_Z-4C3quTGg7x8Pq3-yPFPgc4Xpeg_IoJcr4SYvN-xUzgkakN=w640-h350
https://blogger.googleusercontent.com/img/a/AVvXsEiQqRMoNABJ2IjlN5xACHLNdzROlYCPxeuCsVfbsILJTg9J-4kF8Nmk9DydP4C8xRkdyKDgw0zNf6CFvXAw_FQTQuBC3yrBpeKIaLLUDK0HjCGOTfrMw6Au3tyFAfrphIjStvVWyot_Z-4C3quTGg7x8Pq3-yPFPgc4Xpeg_IoJcr4SYvN-xUzgkakN=s72-w640-c-h350
News Presenter
https://news-presenter.blogspot.com/2021/11/dog-walks-like-human.html
https://news-presenter.blogspot.com/
https://news-presenter.blogspot.com/
https://news-presenter.blogspot.com/2021/11/dog-walks-like-human.html
true
5115326993436416456
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy