Itatanong ng DOH sa WHO kung pwede nang ideklarang kontrolado na ang pandemya sa Pilipinas.
| Image via Philippine News Agency |
Planong itanong ng Department of Health (DOH) sa World Health Organization (WHO) kung puwede nang ideklara ng Pilipinas na kontrolado na ang COVID-19 pandemic sa bansa kung ang testing positivity rate na mas mababa sa 5% ay patuloy sa loob ng dalawang linggo.
Nais umano ni Health Secretary Francisco Duque III na hingin ang guidance ng WHO kasunod ng pagbaba ng COVID-19 positivity rate sa bansa.
"For two weeks, we hope to have a positivity rate lower than 5% and we can ask guidance from WHO if we can declare that the COVID-19 pandemic in the Philippines has been controlled and contained," saad sa isang statement ni Sec. Duque.
Batay sa datos ng DOH, ang positivity rate sa bansa ay mas mababa sa 5% mula pa noong November 13 kung kailan ito ay nasa 4.5%.
| Image from DOH |
Simula noon ay ganito ang naitalang positivity rate:
November 14 - 3.9%; November 15 - 4.1%; November 16 - 3.2%; November 17 - 3.5%; November 18 - 3.4%; November 19 - 3.5%; November 20 - 3.2%; November 21 - 2.8%; November 22 - 2.8%; November 23 - 2.3%, at November 24 - 2.5%.
Inirerekomenda ng WHO ang positivity rate na mas mababa sa 5%. Ang 5% positivity rate o mas mataas pa rito ay nangangahulugan umano na mataas pa rin ang hawaan ng virus.
| Image from WHO |
Sa kabila ng nararanasang pagbaba ng bilang ng mga bagong kaso ng impeksyon ay nakiusap sa mga mamamayang Pilipino si vaccine czar Sec. Carlito Galvez na huwag magpakakampante dahil naroroon pa rin ang posibilidad na magkaroon sa bansa ng fourth wave ng COVID-19 infection.
Aniya, dapat magsuot ng face mask, magpabakuna at ugaliin ang pagiging disiplinado.
| Image from NPR |
“Yes, there will be a possibility that we will have a fourth wave again. Our reminder is for all Filipinos to wear masks and to get vaccinated and discipline themselves," panawagan ng kalihim.
COMMENTS