Nagbabala si Dr. Willie Ong sa posibleng COVID-19 surge sa susunod na dalawang buwan.
| Image via Dr. Willie Ong's Twitter account |
Si Dr. Ong na isang cardiologist at internist ay kumakandidato sa pagka-bise presidente sa ilalim ng Aksyon Demokratiko political party bilang ka-tandem ni presidential candidate Manila Mayor Isko Moreno.
Ayon kay Dr. Ong, na isa ring popular na vlogger, sinabi umano ng WHO sa weekly epidemiological COVID-19 update report nito na muli na namang nangunguna sa buong mundo ang Europe sa dami ng mga bagong kaso ng COVID-19.
Aniya, nasa singkwenta porsyento ang itinaas ng new cases nito.
| Image via Yahoo |
“The WHO has spoken. America must get ready because it is now going there. We in the Philippines, maybe in two months, our numbers will rise again. They have already issued a warning,” babala ni Dr. Ong.
Ang senaryo sa Europe ay posible umanong mangyari sa Pilipinas sa susunod na dalawang buwan matapos luwagan ang mga restriksyon dahil sa bumababang kaso ng sakit batay na rin sa datos mula sa Department of Health (DOH).
Isa pa raw sa mga factors na maaaring magsanhi ng surge ay ang katotohanang mas marami pa ring mga Pilipino ang hindi pa nababakunahan.
| Image via Philippine News Agency |
Gayundin ang bagong variant - ang Delta Plus - na sumulpot sa North Carolina sa Estados Undos na posibleng kumalat sa ibang mga bansa.
Sa patuloy na pakikibaka ng bansa sa pandemya, pinuri ni Dr. Ong ang pagsisikap na ginagawa ni Mayor Isko Moreno upang matiyak ang kalusugan at kaligtasan ng mga Manileño sa pamamagitan ng pagbili ng mga gamot kontra COVID-19 tulad ng Remdisivir, Tocilizumab at Molnupiravir.
“This is the reason why I am running — to help you, to offer myself. That’s all. I just want to help. Win or lose, it’s okay. My goal is to do everything, to help Yorme become president. I can assure you, the young people here, he is the best candidate,” sabi pa niya.
| Image via Aksyon Demokratiko |
COMMENTS